MTMS 11

9.5K 72 29
                                    

Pumasok ako sa school feeling so complicated. Masaya dahil makikita ko sya ulit and sad dahil last day of the deal na to. After this, I have no reason to be with him na. Nakakalungkot pero dapat tanggapin. Nothing remains the same. Gusto kong pagsisihan ang karupukan ko pero gusto ko ding ibilang na happiest moment ang mga nangyari.

"Good morning Miss. You look radiant today and early."

Nagulat ako sa bumati sakin. Nick is looking at me na para bang may tinatagong mensahe. His side of the lips rose a bit na agad ding nawala. I smiled and greet him back sabay talikod.

Danica sitting beside me shrieked. Akala mo kiti-kiti na kinikilig.

"Jade, mukhang type ka ni Sir aa." pasundot sundot pa nya saking bulong.

"Trip nya lang akong asarin ano kaba." irap ko, though pigil ang ngiting tinatago dahil baka mahalata ako na kinikilig.

Pasimple akong sumulyap kay Sir ngayon ay nakayuko at nagse- cellphone. Nag angat sya ng tingin at nagkatitigan kami. My body instatly heated by the way he stared at me with hidden meanings. Marahil ay nakita nya ang pamumula ko kung kayat natawa sya at napailing. I felt my phone vibrated kaya nagkaroon ako ng dahilan para yumuko.

A text message coming from him! Akala ko si fiancee nya ang katext nya. I read it sideways para di mabasa ni Danica in case na mapalingon sya sakin.

"Hi Babe! You look pretty today! My office later, lunch break. Miss kissing you."

Lalo akong namula sa kalandian ng lalaking to. I want to scream so bad pero I need to restrain myself from being so malandi. Hahaha Ang rupok ko talaga!

The class went on with us exchanging glances kapag walang nakakapansin. I felt so contented and happy. Natapos ang klase na di nawawala ang pigil na ngiti ko.. Tingin ko ay namamaga na ang labi ko kakagigil ko. Hahaha

Pasimple akong humiwalay kay Danica at lunch break. Di na ako kumatok. I opened the door and a handsome looking man sat across Nick. Nagtataka man, I greeted them and stand in front of them. Hindi ko na sinara ang pinto.

I looked at the man curiously. Gwapo, medyo hawig kay Nick pero mas matiim tumitig. He looks dangerously handsome. And if di lang ako patay na patay kay Nick, baka malaglag na din ang panty ko sa bisita nya. Narinig ko ang pagtikhim ni Nick at napabaling sa kanya. His stares made me frightened. Muka syang papatay sa tingin nya sa akin.

What did I do?

"So you are Jade? How old are you, kid?"
Napamaang ako sa lalaking nakangisi sa akin. Kilala nya ako?

" Yes,Sir and I'm 18. May I know who you are?" Matapang kong sagot. He chuckled and I find it so sexy.

" He is my older brother, Denver. Now, look at me,baby." He sound so frustrated na pinagtataka ko. I find it amusing kahit na hindi ko alam kung bakit. And he called me, Baby!.

" Baby, huh. She looks like a babe to me, Nick." Natatawang puna ni Denver. Pinamulahan ako ng mukha. Baka mabuking kami nito at makarating sa fiancee ni Nick. Nick looked at his brother murderously na tinawanan lang ni Denver.
And when Nick looked at me again, his tender eyes melt my heart.

"Baby come here, lunch na tayo." Noon ko lang napansin ang mga pagkaing nasa harapan. Why is he calling me baby sa harap ng kuya nya?

Lumapit ako kay Nick. Hindi maalis ang mga tanong. And when he pulled me on his lap, lalo lang tumindi ang tanong. Kinabahan ako. Para na itong lalabas sa dibdib ko.

He kissed my cheeks, kasabay non ang pagpasok ng babaeng huling nais kong makita habang nasa kandungan ni Nick.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Teacher, My StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon