'Kung ang paglayo sayo ang tanging paraan,
Ito'y aking gagawin dahil wala naman akong pagpipilian.
Upang nararamdaman ko sayo'y mabawasan,
Dahil ito'y lubos na at nag uumapaw.'When I was a kid my mother said, once Mr. Cupid targeted your heart and you fall in love be thankful because he gave you the opportunity to feel being In love. Pero ngayon, I don't think kung magiging thankful pa rin ako dahil pinana na ni Kupido ang puso ko.
Ayos lang sana kung sa iba, pero bakit sa bestfriend ko pa? Buti sana kung automatic na kapag may gusto ka sa isang tao ay ganun din sya sayo.
Let's just accept reality. If you love someone never assume or expect that they will loved you back.
Kung may botton lang sana sa puso na isang pindot lang mawawala na agad lahat ng nararamdaman mo para sa isang tao siguro matagal ko nang ginamit at pinindot. But there's none, I have no choice kundi ang tanggaping wala akong ibang pag pipilian dahil hindi naman basta-basta para mawala ang nararamdaman ng isang tao.
"Tulala ka nanaman, tatawag naba ako ng albularyo para tignan ka?" Napatingin ako sa biglang nagsalita.
"Kanina kapa jan?" I ask.
"Mga 3 minutes na, tinatawag ka namin nila kuya Joaquin para yayain na mag lunch pero hindi ka naman lumilingon kaya nilapitan na kita," sagot nya.
Magtatanong pa sana ako kung nasaan ang iba pero nag salita nanaman sya, "Nauna na sila para daw may pwesto na tayo at makapag order agad." Tumayo na sya at lumakad na kaya niligpit ko na ang mga iba kong gamit at humabol sa kanya sa paglalakad.
Habang binabaybay namin ang daan papuntang cafeteria bigla na lang sya huminto at humarap sakin.
All of the sudden bigla nya akong sinuntok sa balikat. "Damn! Bakit ka nanununtok dyan?!" Angil ko habang hinihimas ang parte ng sinuntok nya.
Hindi sya sumagot at bumwelo nanaman ng mas malakas na suntok. Dahil sa bigla ay hindi ko nasalag ang bagong suntok at tumama naman ito sa kabilang balikat ko.
"You jerk! Anong ginawa ko sayo hah?! Hindi naman kita inaano jan ah?!" tanong nya ng pasigaw.
"Anong ako? Eh ikaw nga jan bigla biglang nanununtok tapos ako aawayin at sisigawan mo? Inaano ba kita?" balik tanong ko.
"Wow hah?! Coming from you? Baka kase nakakalimutan mo, bestfriend mo ako. I know all things about you. I know kung kelan ang birthday mo, I know what's your favorite food, color, and ever your favorite song alam ko! Hindi ka nakakatulog kapag walang ilaw na nakabukas, kapag may lagnat ka nawawalan ka ng boses, kung matulog ka ay ayaw mo ng maraming unan ang gusto mo isa lang, allergic ka sa peanuts, you don't know how to play basketball, takot ka sa mannequins and baby dolls pati sa wigs at injection. I know a lot of things about you tapos ikaw birthday ko lang hindi mo pa matandaan? Wow ha? Tapos tatanungin mo ako kung bakit kita sinuntok? Kelan ba kita sinuntok ng walang dahilan aber? Nakakabwisit ka! Hindi mo na ako tinuturing na bestfriend. Siguro nakahanap kana ng ipapalit saken no? Damn you Marco! I.H.A.T.E.Y.O.U!"
Napatulala na lang ako sa harap nya dahil sa haba ng sinabi nya.
"Oh ano? Pagkatapos ng napakahabang sinabi ko tutunganga ka lang dyan? Hello nag effort kaya akong mag aksaya ng laway tapos hindi mo man lang ako babatiin ng Happy Birthday?" Inis na tanong nya. Nang hindi makarinig ng sagot ay nag tuloy na sya sa paglalakad.
Matagal bago nag sink in sakin ang lahat ng nabanggit nya kanina. "Ngayon ba ang birthday nya?" tanong ko sa saril.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa, "Pero January 18 palang, bukas pa ang birthday nya..."
Nang lingunin ko sya ay papasok na syang cafeteria. Nakita ko naman ang mga kasama namin sa bandang gilid sa likod na nakatanaw sa akin at nag tatawanan.
Sa tingin ko ay nasaksihan nila ang pang-aaway sakin ni Gia kanina.
Tumatakbong sumunod ako sa kanya pero kinuha nya lang ang bag nya at lumabas na. Hahabulin ko pa sana sya ng tawagin ako ni Joaquin, isa sa mga pinsan nya.
Tumatawang tinapik nya ang balikat ko. "Ano Marco, masakit ba sumuntok?" pati ang iba nyang kasama ay tumawa rin.
Sinamaan ko silang lahat ng tingin, "Sinong nag adjust ng date sa phone ko?" tanong ko pero naka pirmi lang ang tingin ko sa isang tao.
"O-oy bakit sakin ka nakatingin jan? Anong alam ko jan?" agarang tanggi ni Julius.
Inilipit ko ang tingin ko kay Dennis, "Don't look at me like that, kelan ko ba hinawakan o hiniram yang phone mo?" nang tignan ko ang kambal ay tumatawa parin sila. May nalalaman pang pa-apir apir.
"Kayong kambal, kayo lang ang nanghihiram ng phone ko." Lumapit sakin ang dalawa at hinila ako paupo sa isa sa mga upuan.
"Pasensya kana pre, sinubukan lang naman namin kung maaalala mo pero hindi naman pala tsktsk," sabi ni William.
"Ang hina mo naman kase Marco, sa phone ka lang tumitingin ng date eh may kalendaryo naman kase," naiiling na sabat ni Willian.
"Eh bakit kailangan nyo pang gawin yon?! Alam nyo ba na dahil sa ginawa nyo ay inakala nyang wala na akong pakealam sakanya?!" Naiinis na ako dahil sa mga nalalaman ko.
"Easy Marco mah frend. Sorry kung ganon ang nangyari. Hindi naman kase namin inakalang aawayin ka nya," paghingi ng tawad ni William.
"May plano kase kaming naisip ni kambal para kay Gia," dagdag nya pa.
Tinignan ka silang lahat at mga nagtataasan na ang mga kilay nila. Wala naman na akong ibang magawa.
"Sige, anong plano nyo?" pagsuko ko na lamang.
✒️✒️✒️
N/A: Please do vote and enjoy reading!
BINABASA MO ANG
A Poem for my First Love (Ongoing)
RomanceAng single nagiging In a relationship. Ang bata, tumatanda. Ang lumalaban, nag wawagi. Ang taong nahulog sa kaibigan? Ibang usapan na yan.