Kabanata 4

34 16 5
                                    

Katahimikan, ngayon lang ito dahil exam namin. Kung pangkaraniwang araw lang ito pupusta ako ng isang libo, sigurado mga maiingay at magugulo kami sana ngayon.

Halos lahat sa amin ngayon tahimik. May mga seryoso sa pag sagot, may mga halatang inaantok, may mga bilog lang ng bilog ng sagot at merong umaasa sa harapan, yung tipong biglang humahaba ang leeg at lumilinaw ang mga mata.

Hindi naman ganoon kahirap para sa akin dahil nag aral naman ako. Paminsan minsan ay nililingon ko ang pwesto nya sa bandang harapan. Ayos lang naman sya, hindi mo kakikitaan ng hirap sa mukha. Ganda lang ang makikita.

Habang abala sa panonood kay Gia ay may naramdaman akong sumipa sa upuan ko. Nilingon ko ang nasa likod si William.

"What?" bulong ko. Hindi ba nag review ang isang at kung makasipa sa upuan ay daig pa ang may lindol sa lakas?

"Hindi ka ba nag review? Wait anong number ba ang hindi mo alam?" bulong at paminsan minsan ay nililingon ang proctor dahil baka mahuli kaming dalawa sa gagawin.

Inilapit nya ng kaonti ang kanyang upuan. "Would you please stop staring at Gia? Focus on your paper not on your future!" may diing bulong nya.

I thought he didn't review at all and he's just asking a answer for the exam but it's not. Napansin niya pala ang pagnanakaw ko ng tingin sa pinsan niya. Natawa na lang ako sa pag tawag niya kay Gia as my future, simula kase nang inamin ko ang totoo ay lagi na nya akong sinasabihan na ang pinsan nya ang future ko dahil hindi raw sya boto kay Glen.

"Just for Inspiration," naka ngiting tugon ko. Sinamaan nya lang ako ng tingin na ipinag kibitbalikat ko na lang.

Dalawang araw ng exam ay puro ganon lang ang ganap. Walang naiba parang pangkaraniwang araw lang.

Tomorrow is Valentine's. Bukas na rin ang Miss Valentine's na kung saan candidate si Gia. Kakatapos ko lang kagabi ng banner. Hindi man sya maganda atleast nag effort ako at para sa akin ay magugustuhan na nya yon. Hindi naman sya katulad ng ibang babae na maarte at mapili. Bigyan mo lang siya ng mga simpleng bagay ay masaya na siya.

Andito ako ngayon sa bahay nila Gia para mag practice para sa talent nya bukas. Ang unang plano namin na kakanta sya habang ako ay tutugtog ng gitara ay napalitan dahil sa dalawang ugok na kambal.

Ang naisip nila ay ako at si Gia ay kakanta habang si Joaquin at Carl na lang daw ang tutugtog. Duet kami ganon daw para sweet.

"Ano namang kanta ang kakantahin namin kung ganon?" nakapamewang na tanong ni Gia.

Nagtinginan muna ang dalawa bago mag salita. "You are the Reason by: Calum Scott" sabay pa ang dalawa sa pag sagot.

"Ayoko non!" agarang sagot ko

"Ay gusto ko yan!"

Nilingon ko si Gia dahil halos sabay rin kaming nag salita, "Ano ba naman Marco, okay nga yun eh. Ang ganda kaya ng kantang yun."

"Pwede naman tayong nag stick sa unang napag usapan. Hindi na kailangang baguhin yon," depensa ko pa para lang hindi na masunod ang bagong naisip nila William at Willian dahil hindi ako komportable at sa tingin ko ay baka hindi ko rin iyon magawa ng maayos, madadamay lang si Gia pag nagkataon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Poem for my First Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon