Hindi na kami pumasok ng tanghali nila Joaquin, Julius at ang kambal. We need to prepare everything. Nakapamili na rin kami ng mga gamit kaya naman alas tres na nang hapon kami nakarating dito.
Nandito kami ngayon sa park ng subdivision kung saan kami nakatira. Buti na lang at walang masyadong mga bata dito kaya hindi rin tinatambayan ang park.
Plano kase nila na ang set up ng surprise mini party ay dito, kami kami lang naman kaya ayos na ang lugar na napili namin.
Medyo nag aalangan pa rin ako sa plano nila pero hinayaan ko na lang. Wala naman na ring sapat na oras kung may babaguhin pa, tutal matagal na nila ito napag-usapan kaya sigurado akong maayos at magugustuhan ito ni Gia.
"Marco kailangan pati yung mga swing lagyan mo rin ng lights," komento ni Julius na sinunod ko naman.
Ang kambal ay busy sa pag aayos ng table na pag lalagyan ng mga pagkain. Si Joaquin naman ay sa pag aayos ng mini stage sa tabi ng slide. Ako at si Julius naman sa pag lalagay ng mga ilaw.
Ayon sa plano nila. Pagsapit ng uwian ay dito na agad sila di-diresto. Dapat pagdating nila ay nakapag bihis na kami.
"Picnic style ba tayo kung kakain o kailangan pa natin ng lamesa?" tanong ko dahil isang lamesa lang naman ang nakalabas.
"Picnic style. Alam mo naman kung sa mesa wala nang pag pupwestohan sa dami natin na gagamit," sagot sa akin ni Joaquin.
"Eh bakit may mini stage pa wala naman yan sa usapan?"
"Shempre para sayo. Pwede kang tumula o kumanta para sakanya. Pangbawi kumbaga," simpleng sagot nya.
"Pero hindi naman ako nakapag handa ng tula..."
"Pero kaya mo namang gumawa sa maikling panahon lang," aangal pa sana ako pero hindi nalang.
Nang matapos na kaming lahat ay eksaktong mag uuwian na kaya nag handa na rin kami ng mga sarili namin.
Medyo kinakabahan pa ako habang nakatayo sa gitna ng maliit na entablado. Nasa harap ko lang sya nakapiring at nag hihintay. Ayon sa bagong plano, pag dating nila ay hindi muna kami kakanta ng Happy Birthday song kundi spoken poetry raw muna.
Kasabay ng pag tanggal ng piring sa mata nya ay ang pag bilis din ng tibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim bago mag umpisa.
" Pitong taon na ang lumipas nang una tayong nag kita at nag usap,
Hindi ko inakala na sa sandaling dumapo sa iyo ang aking mga mata ay isang babaeng mala Anghel ang ganda pala ang aking makikita.
Tumabi ako sa iyo at nakipagkamusta,
Tinanong ang iyong pangalan at nakipagkwentuhan.
Hindi nag tagal madalas na tayong magkasama,
Laging nag tatawanan at nag bibiruan.
Hanggang sa ako ay iyong tinawag na kaibigan,
Ang sarap sa pakiramdam at parang ako'y nasa alapaap.Pagtungtong ng sekondarya pag kakaibigan natin ay mas lumalim pa kesa sa aking inaasahan,
Mga pinsan mo sakin ay lubos na naiinggit.
Itinuring mo akong kaibigang matalik,
Kahit hindi tayo laging magkasundo dahil Ikaw ay may pagka baliw."
BINABASA MO ANG
A Poem for my First Love (Ongoing)
RomanceAng single nagiging In a relationship. Ang bata, tumatanda. Ang lumalaban, nag wawagi. Ang taong nahulog sa kaibigan? Ibang usapan na yan.