Three weeks na ang nakakalipas pagkatapos ng birthday ni Gia, wala namang ibang nangyari sa mga nakalipas na linggo.
Lahat kami ngayon ay abala sa kanya-kanyang buhay.
Dahil completers ang iba sa amin at movers ay busy kaming lahat sa pag rereview para sa darating na exam. Mas mauuna raw kasi kami dahil mga magsisipagtapos na.
It's now February 10, bukas na ang exam. Actually 2 days ang exam namin so, sa 11 and 12 na iyon.
Malapit na rin pala ang Valentine's day, hanggang ngayon wala parin akong naiisip kung anong gagawin ko sa araw na yun. Hindi naman pwedeng hindi pumasok dahil may program kami sa school ng araw na iyon at bawat students ay dapat pumasok for cooperation sa gaganaping program.
Hindi ako pwedeng umabsent dahil candidate si Gia sa Miss Valentine's. I must and need to make a banner with her name. Nakapag review naman na ako, siguro ayos lang kung uumpisahan ko nang gumawa.
Nang makababa na ako sa kwarto ay naabutan ko si Papa na nanonood ng tv sa baba. Lumapit ako sa kanya and sit beside him.
"Hey, Pa.." I greeted.
"Son, anong atin?" tanong nya agad.
"Nothing-"
"Hindi ka lalapit sa akin ng nakangiti kung walang dahilan Marco. So anong kailangan mo? You need money?" diretsong tanong nya.
"Si Papa talaga..." natatawa kong sabi, "Hindi na ba kita pwedeng lapitan ng nakangiti? Ano ba dapat, nakasimangot ba?"
"Ganyan din ako sa Lolo mo noon kaya hindi na ako mag tataka. So what do you need huh?" pag uulit nya.
Huminga muna ako ng malalim "Can I get my keys? I just... I just need to buy something... important..."
Sumimsim muna sya sa kape nya, "Exam week nyo ngayon, diba ang usapan natin ng Mama mo ay hindi ka pwedeng humawak ng sasakyan?"
"Pero Pa... May bibilhin lang naman ako and after that uuwi na rin ako agad," paliwanag ko.
I need more explanation para payagan nya ako.
"Wala rin si Manong Selo, kung gusto nyo kayo na lang mag hatid sakin sa mall."
Sinamaan agad ako ni Papa ng tingin, "Abat ako pa ang gagawin mong driver hah?" may dinukot sya sa bulsa nya, "There pumunta ka na basta pagbalik mo sa akin ulit yang susi mo," bilin nya pa.
"Thanks Handsome, babalik din ako agad. Bye!"
Abot tenga pa ang ngiti ko. Wala namang ibang nagawa si Papa kundi ang mapailing na lang.
Pagkasakay ko ng kotse ay pinaandar ko agad ito at tinahak na ang daan papunta sa pinakamalapit na mall. After 10 minutes of driving nakarating na ako. Pagkapasok sa loob ay sa isang boutique na may mga school supplies ako dumiretso.
"Magandang tanghali Ginoo, maligayang pagdating sa Kagamitan sa Eskwelahan, kung saan lahat ng inyong hanap ay dito ninyo mahahagilap," pangbungad na bati sakin ng sales lady.
BINABASA MO ANG
A Poem for my First Love (Ongoing)
RomanceAng single nagiging In a relationship. Ang bata, tumatanda. Ang lumalaban, nag wawagi. Ang taong nahulog sa kaibigan? Ibang usapan na yan.