Simula

77 21 5
                                    

'Hindi ko alam kung kailan nag simula,
Sinubukan kong pigilan pero parang mas lumala.
Di ko naman 'to ginusto at sinadya,
Basta ang alam ko Mahal na kita'

Habang busy ang lahat sa pag susulat, eto ako abala sa kakatitig sa kanya.

Hindi naman ako napapansin ng teacher namin dahil abala rin sya sa pag rerecord ng mga grades namin.

Hanggang dito lang naman ako eh, patitig-titig, pasulyap-sulyap sa malayo. Wala akong magawa kundi mahalin na lang sya ng patago.

Ganito naman talaga ang napapala ng nafa-fall sa kaibigan.

Nakakatakot kaseng mag risk. Baka yung friendship naming forever ay mauwi sa friendship over. Gustuhin ko man ay natatakot parin ako.

Sinubukan ko noon, isang beses. Dinaan ko sa biro. Tinanong ko sya na kung sakaling liligawan ko sya ay may pagasa ba ako at sinagot nya ako ng 'I must prefer friendship over relationship. Kase mas nag tatagal ang pagkakaibigan kaysa sa ka-ibigan.' and after she answered hindi na ulit ako sumubok.

Nakilala ko sya noong grade three kami. Transferee ako sa school nila at sya ang seatmate ko hanggang sa umabot na ng grade six ay kami na ang seatmate at dun nag simula ang pagkakaibigan naming dalawa.

Lately madalas kong nahuhuli ang sarili ko na nakatitig sa kanya. Hindi ko lang pinansin kase siguro naninibago lang ako at ngayong grade 10 lang kami nagkahiwalay ng upuan.

Sya sa bandang harapan samantalang ako ay nasa likuran.

Kinausap na ako ng mga pinsan nya last week at tinanong kung may gusto daw ba ako sa kanya.

May gusto nga ba ako sa kanya?

And in that I realized, lintik nga namang kupido ito oo, may gusto na nga ako sa kaibigan ko.

Nakaka gago, right? Sa dinamirami ng babae sa mundo ay doon pa sa taong kaibigan lang ang turing sakin ako nagkagusto.

"Tapos kana bang kumopya Marco at abala ka na sa pagiging tulala mo?" Biglang tanong sakin ng teacher.

Napakamot naman ako ng batok "Hi-hindi pa po," nakayuko kong sagot.

"Mag sulat kana," utos nya.

Nagsulat na lang ako to avoid my attention, hindi yung sya nanaman ang tinititigan ko.

Araw araw ganon ang naging routine ko. Kapag walang ginagawa pinapanood ko sya mula sa malayo. Kapag break time at lunch time ay kami at mga pinsan nya at pinsan ko ang mag kakasama. Kasama rin namin si Glen, ang boyfriend nya.

Oo, may boyfriend na sya.

Naalala ko noong pinakilala nya sa amin yung si Glen ay hindi ko sya pinansin ng halos isang buwan. Ngayon ko lang na realize, kaya siguro ako nagalit noong malaman ko ang tungkol sa kanila ay dahil may nararamdaman na ako para sa kanya.

Kaya ang balak kong pag amin sa kanya ay naudlot dahil nakikita ko naman na masaya sya ngayon. Hindi ko na lang sila guguluhin. Basta andito lang ako para sa kanya. Kung sakaling kailangan nya ng masasandalan andito lang ako, ang kaibigan nya.

(N/A: Guys, this is my first ever story. I don't have the knowledge just like the other authors pero gagawin ko naman ang best ko to make this one NICE. Support nyo na lang ako, kung may mali sabihin nyo para maitama ko. Kung may suggestions comment nyo para may ideas ako. Yun lang Saallaaammaaattt!)

A Poem for my First Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon