Teaser:
Amber Norris. A 17 year old freshman IT student sa isang sikat na unibersidad sa kanilang lugar. Kung titingnan mo parang wala siyang pagkakaiba sa ibang boys sa school nila dahil na rin siguro sa pananamit na panglalaki niya, but deep inside CERTIFIED GIRL pa rin siya. Meet Michael, ang long time crush ni Amber na sikat sa school nila dati dahil sa matalino ito, gentleman, gwapo at may pagkahilig sa musika.
Ngunit sadyang masaklap rin siguro ang tadhana para sa kanya ng malaman niyang sa school rin na pinapasukan niya nag-enroll yung lalaki na sobrang kinamumuhian nito --- at siya ay walang iba kundi si Josh, isang mayaman, bad boy, womanizer, pero matalino.
Paano kaya iikot ang mundo ni Amber sa dalawang ito? Alamin kung sino ang mas matimbang sa puso niya matapos ang ilang struggles na haharapin niya.