CHAPTER 4
Nag lalakad sina Celine at Amber sa hallway patungo sa kanilang room. Start na ng kanilang class for the second semester.
“Ang haba ng hair mo mhocks!, ito nga ohh natatapakan koh na!, pagupit ka nga!, kung hindi ako mismo magkakalbo sayo!”
“ano ka ba mhocks?!, umayos ka nga, sinama lang ako, ganyan ka na?”
“date na din yun!”
“basta hindi date yun para sa akin, it’s only a friendly way niya para magkamustahan kami”, pagtatanggol ni amber.
“OKAAAAY!, ehhhh kung yaaaan ang gusto mo ehhhhhhh!”
Natatawa na lang siya sa mga banat ng kaibigan niya, kung hindi niya lang to bestfriend baka kanina pa niya binatukan.
Malapit na sila sa kanilang room ng biglang may nagmamadaling lalaking nakabunggo na naman sa kanya.
LOOORD?! May galit ba talaga kayo sa akin?, bakit lagi na lang ako malapit sa bungguan?! Hhuhuhu IT HURTS YOU KNOW!
“hindi kasi tumitingin sa dinadaanan!”, bwelta ng lalaking nakabunggo sa kanya
Kung hindi lang sana masama ang mangarate ng wala sa oras, gagawin ko talaga sayo!!!!
“excuse me?!, ikaw na nga tong tumabig sa akin, tapos ako pa ang bebweltahan mo ng ganyan!, hoooy! Maayos akong naglalakad!, at ikaw yung aanga-angang nag-lalakad!”
“Amber?! Kaw na naman?!, talagang sinusundan mo ko no?”,
“hah? Pakiulit?! Nabingi ata ako?”, pagtataray ni Amber.
“ ang sabi ko stalker kita! Kaya lagi kitang nakikita , at hindi basta bastang pagkikita!, lagging may masamang nangyayari kapag nakikita kita!”
Nangigigil na si Amber, at kaunti na lang susuntukin na niya ito.
“pwede ba Josh Dela rosa !!! ,wala akong PAKE sayo!, at kung pwede? Nag-aaral ako at hindi nag stastalk sa mga taong katulad mong walang ibang alam puro kayabangan!”, at nag back out muli siya sa pangalawang pagkakataon nilang magkita
“GG yang si josh, mhocks, hindi ko akalaing ganyan pala ang ugali”, komento ni Celine
“I told yah!, kulang na lang tirisin ko siya ng parang kuto dahil sa inis ko!!!”
“chill ka lang, ohh ito ice tea, palamig ka muna ng ulo”, sabay bigay ng tea ni celine.
“salamat”
KAHIT kelan Amber ang cute cute mong magalit!, sus! Alam ko naman na inis na inis ka sa ginawa ko, pasensyahan lang tayo!,matagal na kitang hinahanap, kaya sorry kung ganun yung ginawa ko kanina, AKO ANG STALKER!, and I know it, I just want you to realize na nagsisisi ako ginawa kong wrong move dati.
“weeew!”, yun lang ang nasabi ni josh, matapos niyang nabangga si Amber.
Agad niyang kinuha ang phone niya at may tinawagan.
“pare, nasan ka?.... ahh…. nandito ako sa canteen…., sige pare hihintayin kita”, at binababa na niya ang kanyang telepono.
Maya maya’y dumating na ang lalaking kanyang tinawagan.
“ohh josh musta?, hindi mo man lang ako tinawagan bago ka magtransfer!”
“pasensya na Michael, biglaan ehh, si mommy ang nagsabi na kailangan ko munang lumipat dito”, pagpapaliwag ni josh.
“ahh ibig sabihin.. pansamantala lang? naku pare, dito mo nalang tapusin yang course mo maganda ang pagtuturo nila ditto”
“ bahala na pare”