chapter 5~~ nagseselos ako dude >-<

32 1 0
                                    

CHAPTER FIVE

Nagkasalubong sina Amber at Michael sa hallway ng kanilang iskwelahan.

“ musta ka na?”, pagbati ni Michael.

“ okay lang naman, medyo busy kasi nagrereview din ako, ikaw?”

“okay lang din, so.. free ka ba ngayon?, yayain sana kita for lunch?”

“sige, tara, tamang-tama, gutom na rin ako, libre mo ko hah!”, pagbibiro ni Amber.

“sige ba!”

“kinagat mo nga ang joke ko, ahaha, tara na!”

“leggo”

            Ng makarating na sila sa canteen ay walang humpay ang pagkekwento sa kanya ni Michael.

“alam mo Amber, nung muli kitang nakita, grabe hindi kita talaga nakilala, you’re totally change”

“bakit mo lang ngayon yan, nakekwento, ehh matagal na yun ahh?”, pagtataka ng dalaga.

“wala lang, bigla lang pumasok sa isip ko, teka… wag  mo sanang masamain yung tanong ko pero……”

“pero?”

“bakit ganyan ka?”

“hah?, anong ganyan Michael?”

“bakit ganyan ang pananamit mo?”

Natahimik si Amber. Kung alam mo lang fafa Michael. I did this just to say you’re the one.

“Amber?, okay ka lang?, pasensya ka na hah, wag mo na lang sagutin, medyo weird.”

“don’t mind it Michael,……… kaya ganito ang outfit ko kasi….. kasi…… kasi ditto ako komportable!, saka walang basagan ng trip”, sabay hampas sa braso ni Michael.

            Nagkatinginan silang dalawa…

“ahmm, sorry!”, pagpapaumanhin ni Amber.

“it’s okay!, sa macho kong ito?, tsk, hindi ako basta-basta tinatablan!”, pagmamayabang niya, sabay pagpapakita sa kanyang biceps!

“YUCK!, kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!, nasan ang macho?, wala akong Makita!”

“ang yabang mo!”, sabay gulo ng buhok ni Amber.

Ahahah dontcha worry babes, macho ka, ayoko lang aminin baka mas kiligin lang ako!

Tawa lang ang naitugon ni Amber.

            Sa kabilang banda.

Adek ka Michael!, pati pa ba naman si Amber!,correct ka dyan Amber!, sus! Ano laban niyan sa 6 pack abs ko?, wala ka pa sa kalingkingan ko pareng Michael!, mahiya ka naman!

Kanina pa nandoon si Josh sa Canteen, ng dumating sina Michael at Amber ng magkasabay. Hindi malaman ni Josh ang nararamdaman niya, may halong galit at pagkapikon, yung parang pipigain ka na sa sobrang sweet ng dalawa, at talagang nanadya dahil sa likod pa pumwesto sina Amber. Masaya silang dalawa, na mas lalo pang kinagalit ni Josh.

 “pare!”, pagtawag pansin ni Josh kina Michael.

“oy nandyan ka pa pala!”

Kaya nga tinawag kita diba?!,tatawagin ba kita kung wala ako dito?

“hi amber!”

Amber just smile sarcastically.

“well!, siguro magkakilala na naman kayo, so no need to meet formally again right?”, Michael said.

“yup!”

“ahh michael, aalis na ako…”

“wag mong sabihin na may may kung anong enerhiya ka na naman  nafe feel,  at medyo BAD VIBES?”

“woow! Talagang kinabisado mo?”, mapamang ha si Amber na sinabi ni Josh.

“hindi naman sa ganoon”

“well, fine! Whatever, sige Michael alis na talaga ako, may next class pa ako”

“sige Amber, I know what you’ll gonna tell”

“ang gulo niyong magkaibigan!, alam niyo next time hindi na ako magsasalita para hindi ganyan ang pinagtitripan niyo ako”

“I know you never do that”, singit ni Josh

“at bakit?”

“kasi may award ka nung high school diba? BEST IN KADALDALAN??”

“haha!, talaga lang hah!, mas okay na yun keysa sa BEST IN BLAMING diba?”

Natahimik si Josh..

“sige! I need to go na, bye”

‘sige ingat ka Amber”, pagpapaalam ni Michael

“PARENG JOSH bakit ganoon ang sinabi sayo ni Amber?”, pagtataka ni Michael sa ikinilos ni Amber kani-kanina lamang.

“ nagalit sakin si Amber nung 3rd year kami pare, but no need to explain, wala na yun, by the way, madalas ko kayong makita ni Amber na magkasama ahh, nililigawan mo ba siya?”

“nakashabu ka pare?!, sinabi ng……”

“sinabi ng may hinihintay ka!, opo na po, I know right!”, pagpapatuloy ni Josh.

“alam mo naman pala ehh, magtatanong ka pa?!, bakit anong motibo mo?”

“wala, napansin ko lang, bakit masama na bang magtanong tol?”

“I smell fishy!”, mahinang bulalas ni Michael.

“ano? May sinsabi ka pare?”

“ahhh…ehhh… never mind….”

“tara na nga!, may klase pa ako, ikaw?”

“dito muna ako pare, mamaya pa ang next class ko”, sambit ni josh.

“sige”

Sana nga totoo na wala kang maramdaman kay Amber tol! Wew! O_0

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're my only oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon