chapter 3 ~~ bonding with my dream boy ^.^

43 1 0
                                    

Chapter 3

Nakarating na sila sa lugar na sinasabi ni Michael at medyo familiar nga ito sa kanya. Ang hindi malaman ni Amber ehh bakit sila nandoon. Nasa isang park silang dalawa sa may batangas.

“bakit nandito tayo?”, agad na tanong ni Amber.

“isa kasi ito sa mga lugar na madalas kong puntahan kapag may free time ako. Feeling ko, ito lang ang nakakaintindi sakin kapag Masaya man ako or hindi”

Kaya pala nakikita kita dito dati…. Ano toh? Destiny tayo?? Weeeee…. Pagbibiro niya sa kanyang isipan.

“Alam mo, isa rin ito sa mga lugar na pinupuntahan ko kapag may sama akong loob. Dito lang kasi peaceful, mahangin na tapos tahimik pa….”

“parehas lang pala tayo”

Kasi nga DESTINY tayo!! Hihihih

“Tara! Maglakad-lakad tayo”, sabay hila ni Michael ang kaliwang kamay ni Amber, hilim na hindi makapaniwala si Amber sa pangyayari.

Totoo ba to?, What’s the meaning of thizzzz?,  nananaginip ba ako? Ohh god! Wag niyo na akong gisingin please?!

Namumula na siya dahil sa ginawa ng binata.

Agad naman inalis ni Amber ang pagkaka-hawak sa kanya ni Michael.

“I’m sorry that I act like that”, pagsumamo ni Michael.

“Ackward lang kasi……”

“Na pagtinginan tayo?”

“Maybe?”

“Look, I don’t care if they are staring at us, wala naman sigurong masama doon diba?” , pagpapaliwanag ng binata.

“Nakakahiya kasi., look…. Look on what I’m wearing?”

Hinawakan muli ni Michael ang mga kamay ni Amber, “ Like what I said before, I really don’t care, ano naman kung ganyan ang pananamit mo?, I respect you Amber”

Tumungo na lang si Amber dahil ramdam niya na namumula na ang kanyang dalawang pisngi…

 “Shall we?”, yaya ni Michael.

Tumango-tango na lang si Amber, sa pagkakataong yon ay hindi na hinawakan muli ni Michael ang kamay ni Amber para hindi na rin siya mailing.

Hindi lang gwapo, matalino to grabe!, Gentleman pa… sa bagay halata naman…. Perfect ka talaga Fafa Michael! Pakasalan mo na ako!,  natatawsiya sa kanyang iniisip at agad napansin yun ni Michael.

“Bakit?”

“ahh, wala may naalala lang akong nakakatawang experience”, tugon ni Amber

“okay, so kwentuhan mo naman ako ng mga bagay na nangyari sayo after, we graduated?”

“sige, saaan ba ako magsisimula? Hmmm…”

Tuloy-tuloy lang ang pagkukwentuhan nilang dalawa, masaya silang tingnan, halos pagtinginan na sila ng iba dahil sa malalalakas na hagikgik nila… J

MAG-GAGABI ng ihatid ni Michael si Amber sa tahanan ng dalaga..

“sure ka ban a hindi ka na papasok?”

“Oo naman. Sige pasok ka na”

Papasok na si Amber ng magsalita muli si Michael.

“ahmm, Amber, salamat nga pala kasi sinamahan mo ako”

“wala yun”

“sige, aalis na ako”

“sige, mag-iingat ka”

Nakapasok na si Amber sa kanilang gate, at umandar na ang kotse ni Michael. Pagpasok niya sa loob ng kanilang tahanan ay hindi maalis sa kanya ang mga ngiti.

“hoy! Sino yung kasama mo?”, tanong ng kanyang kuya

“boyfriend mo ate?”, sabat ni mikaela

“ Anak bakit hindi mo man lang muna pinakilala sa amin?”, ana ng kanyang ama

“ano ba kayo? Exaherada niyo naman, hinihatid lang ako nung tao, boyfriend agad?” tugon ni Amber

“ehh bakit hindi mo man lang pinapasok?”, tanong nga kanyang ina

“nagmamadali po, gabi na daw po kasi”

“AHHHHH”, sabay sabay na tugon ng mga kapatid at magulang niya.

“ahh! EWAN ko sa inyo”, natatawang sabi ng dalaga

You're my only oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon