Chapter One
Masaya si Amber na nakita na niya muli si Michael sa tinatagal-tagal nilang hindi nagkita. Dahil sa sobrang pagkamiss nito kay Michael ay hindi niya napansin na lumalakad niya siya palapit dito. Hindi mawari ang sayang nararamdaman niya at bigla niyang niyakap si Michael.
“sobra kitang namiss”, sambit ni Amber habang yakap niya ito. Pero ramdam ni Amber na hindi siya niyayakap nito.
“What’s wrong?”, tanong niya
“I’m so sorry Amber, pero may fiancé na ako, at after 2 months ikakasal na kami, I’m very sorry”, explain ni Michael
“NO! This can’t be happen!”, at unti-unti lumalayo ang imahe ni Michael sa harapan niya, at may malakas na tunog na gumimbal sa kinakatayuan niya na siyang dahilan para MAGISING siya!
“ANAAAAAAK!!!!!!!!, hay naku bata ka, anong oras na? hindi ka pa gising?”, saway ng mommy niya
“ MA!”, maikling tugon nito sabay unat at tingin sa alarm clock niya sa tabi ng kama…..“ HOLY CRAP!!, ala-syete na!, patay ako nito!, sigurado akong pagiinitan na naman ako ni prof.”
“ yan ang sabi ko sayo ehhh, pinapatulog kita ng maaga, pero ano? Matigas parin ng ulo moh at tutok ka parin sa T.V”
“Ma please?, stop na?, liligo lang ako”, sabay takbo ni Amber sa banyo nila..
Matapos ang ilang minuto na paliligo nito ay agad na itong kumaripas ng takbo sa kwarto niya at nagbihis na ng kinaugalian niyang gesture…. Humarap siya sa salamin at nagpopose ng ika mo ay lalaki..sabay sakbit ng bag niya at dumiretso na sa kusina…
“Ate, alam mo kung magbibihis girl ka, tiyak na dagsa na ang manliligaw mo dito”, sambit ng buso nilang babae.
“ oo nga Abe, gusto ko rin naman magkaroon ng brother-in-law someday, sayang ang ganda mo”, sabat naman ng kuya nila.
“hoy! Tama na nga yan, ehh ano naman magagawa niyo kung ganyan talaga ang ate niyo?, hayaan niyo na yan, ehh kung ganyan ba talaga siya ehh, wala tayong magagawa, basta tandaan mo anak, I will always support you”, aniya ng kanyang ama.
“pa alam mo ganito lang ako manamit, pero I assure you girl talaga ako, at kuya at mikaela pwede ba wala sa goals ko ngayon ang mga lalaki”, sabay kuha niya ng pandesal at nagpaalam na…
Ng pagkarating na pagkarating niya sa school ay agad na itong nagtungo sa room ng first subject nila. Buti na lang wala rito ang kanila maestrong sobrang strikto.
“ohh mhocks, late ka na naman?, hay naku kelan moh kaya matutunan na maaga-agang pumasok?”, saway ng bestfriend niyang si Celine. Sabay alis ng sombrero ni Amber.
“ haha, ‘nu ka ba mhocks?, nasaway na ako ng mommy sa bahay, wag mo nang dagdagan”, at inayos na niya ang kanyang browny hair na hanggang bewang ang haba. At tinago ang sombrero niya sa bag.
“good morning class”, bati ng kanilang professor Briones.
At tumayo ang lahat sabay bati ng “good morning prof”at sinimulan na agad ang first quiz nila para sa unang buwan.
Nag-Ring na ang bell, at nag-DISMISS na ng klase ang kanilang guro. Tambay sila sa canteen dahil may isang oras pa silang bakante para sa susunod na klase.
“mhocks alam moh sobrang weird ng dream ko kagabe!, grabe ngayon na lang ulit nagpakita si Michael sa panaginip ko”, bulalas ni amber
“ hay naku, crush na crush mo no?, hanggang ngayon pa rin ba, siya padin?, it’s been a long time na huli mo siyang nakita”, ika ni Celine.
“ alam mo talagang ganyang ang love para sakin hindi ako basta-basta nagpapalit ng inspiration, saka wala akong magagawakung si michael parin, dahil sa sobra niya perfect sa eyes ko”, explain niya.
“bahala ka!, pero kung ako sayo, maghahanap na ako ng iba, mahirap umasa”, pero biglang tumingin si Celine kay Amber from head to toe, “ wait lang pala mhocks, para talagang walang papatol sayo kahit si Michael kung lagi ng ganyang suot mo, try mong magbihis girl talaga”, patutyada ni Celine.
“ wag mo nga akong tingnan ng ganyan!, ehh ano ngayon kung ndi ako magustuhan ng ibang lalaki?, basta Michael lang ang only boy of my dreams, wala ng iba, saka ito lang naiisip kong paraan para ndi ako pansinin ng ibang lalaki diyan”, sambit ni Amber. Hindi nga naman maiitatanggi ang kagandahan ni Amber kung magbibihis siyang pagbabae talaga.
Natapos ang school hours ni Amber ng maayos at tahimik at umuwi na ito. Walang tao sa kanilang bahay dahil 3pm p lang at nasa trabaho at eskwelahan pa ang pamilya niya. Kaya naman napagtripan niyang magbike sa palibot ng subdivision nila. Nakaheadphone ito kaya naman hindi niya namalayan na may paparating palang sport car sa likod niya, at sa pagbusina ng kotse nito ay ang pagkawala niya sa balanse at pagkatumba niya dahil sa pagkabigla niya ay hindi siya agad nakakilos. At sabay bumaba yung driver ng kotse patungo sa kanya.
“okay ka lang ba miss?”, pakumbabang ika ng driver, siguro kasing edad niya lang ito at nagpapapractice pa lang magdrive.
Ng tumingala si Amber ay hindi siya makapaniwala na ang driver na muntik ng sumagasa sa kanya ay yung lalaking kinagagalitan niya at kung maari nga lang ikulam niya.
“ IKAW!”, sambit nilang dalawa.
“ dito ka rin nakatira!”, sabay sila ulit nagsalita.
“ hanggang dito ba naman, susundan mo ko?”, galit na tumayo yung lalaki.
“hindi rin naman makapal ang mukha mo no!,hoy! For your own information 2 years na kami dito!” galit rin siyang tumayo sabay papag nya sa shorts niya.
Bigla naman ngumiti ng walang pakundangan ang lalaki.. sabay lapit kay amber habang nasa bulsa niya ang kanyang dalawang kamay…
Hindi naman agad nakagalaw ng maayos si amber sa kinatatayuan niya, at napapapikit na lamang ito..
“ahahah, hanggang ngayon pa rin ba ganyan ka?, I know you can’t resist my charm, anong akala mo hahalikan kita?” bulalas ng lalaki
Hindi parin nagbabago tong hambog slash makitid ang utak ng lalaking toh!, suntukin kita dyan ehh sabi niya sa kanyang isipan.
“alam mo kung wala kang gagawing matino, get away” ,at kinuha na niya ang kanyang bike sabay back out..
Ngising ngisi naman ang lalaking muntik na siyang banggain.