Chapter 1

64 2 0
                                    

Lianna's POV

"Hey, Lian?" malambing na sabi nito. Minulat ko ang mata ko at ngumiti sa taong mahal ko.

"Yes baby?" tugon ko. Nakahiga ako ngayon sa lap nya. Nandito kami ngayon sa park and nagpipicnic. We're here para icelebrate yung 2nd anniversary namin. Yiieee tagal na namin ng baby ko.

"Remember nung nagconfess ka sakin?" natawa naman ako sa tanong nito kaya nakatanggap ako ng pitik sa noo.

"Ano to? Throwback baby ko? Hahaha--- aray joke lang eh. Oo naman. Everytime na naaalala ko yun, I can't help but to smile" and again napangiti na naman ako dahil naalala ko na naman...

Flashback

"Since eto na yung last day nyo dito sa camp, I want you all to write a letter" lahat naman kami ay nag react sa sinabi ng trainer namin "Yes, a letter. Any kind. Kayong bahala kung anong laman nun. Then after, ibibigay nyo yun sa gusto nyang pag bigyan..."

Di na ko nakinig sa sinabi nito. Isa lang ang gusto kong bigyan nito. At yun ay si—-

"Jayla nakita mo ba sina Trina?" tanong ko sa katabi. Umiling ito.

"Uyy hinahanap" pang aasar nito sakin.

"Ikaw ha, sya ba susulatan mo?" singit naman ni Ira.

"Magsulat nalang kaya kayo? Para naman may magawa kayong matino diba diba?" pero tama si Ira, sya nga yung susulatan ko. Alam nyo kasi, simula grade 7 ako, nagustuhan ko na sya. Ewan ko ba. Sa pagkaka alam ko straight ako but then she came. Nalito tuloy ako.

"Asus kunwari ka pa. Alam naman namin na patay na patay ka dun besh" biglang sabi ni Aaron.

"Shhh ingay mo naman. Magsulat ka nalang din" sagot ko dito at magsimula na kong mag sulat.

Nasa kalahati ako ng pagsulat nung biglang pinapasulat ng trailer namin kung sino yung mga nandito. Tumingin naman ako sa paligid at wala pa rin sya. Pero kahit na ganun, sinulat ko sya pati mga kaibigan nya.

Sakto naman ay bigla silang dumating.

There she is. Kasama nya mga kaibigan nya at syempre ang boyfriend nya na naka akbay sa kanya. Akala mo naman may aagaw sus.

Nakaramdam naman ako ng tapik mula sa likod ko kaya nilingon ko kung sino yun. Nakita ko naman ang pag aalala ng mga kaibigan ko, ngumiti lang ako sa kanila tsaka binigay yung list sa trainer namin.

Ang sakit lang isipin na yung taong gusto mo ng mahabang panahon, pagmamay ari na ng iba. Kung pwede sana kitang ligawan na walang halong hesitation pero hindi eh. Hindi ako lalaki at hindi ko alam kung papatol ka sa isang tulad ko.

Umupo naman sya sa tabi ko kaya dali dali akong umalis sa inuupuan ko at lumipat sa tabi ng kaibigan nito.

"What was that?" takang tanong ni Jean. I strugged. Ehh sa ayoko sabihin sa kaibigan nya na iniiwasan ko si Trina dahil gusto ko ng makalimutan yung nararamdaman ko dito. Masaya naman na sila eh. And dahil dun masaya na rin ako. It's time to move on "Fine. Anyway, anong gagawin? Eto kasi mga to ang tagal kumain kaya nalate kami"

Sinabi ko naman dito yung pinapagawa tsaka nasabi ko na rin na pinag attendance ko sila. Tumango ito at nagpasalamat.

Habang busy ang lahat sa pakikipag paalam sa iba, dali dali kong nilagay sa bag ni Trina yung letter at nagpaalam na. Lalabas na sana ko ng may humawak sa braso ko.

The One That Was Once Mine (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon