Chapter 5

21 1 0
                                    

Lianna's POV

"Guys sa iba nalang tayo dumaan" sabi ni Aaron sabay hila sakin.

"Dahan dahan lang oy! Ganyan ba nangliligaw ha Aaron?" natatawang sabi naman ni Eira. Papunta kasi kami ngayon sa cafeteria para kumain.

"Ewan ko sa inyo. Dito nalang tayo. Mapapalayo pa tayo eh" sabi ko naman at pumunta sa direksyon na pupuntahan dapat namin.

Hindi pa ako nakakaharap ng may marinig akong nag uusap.

"So dinner mamaya samin? Sama mo na rin sina lolo at lola" dahil sa narinig ko. Bigla akong nakaramdam ng inis. Dali dali akong naglakad sa pagitan nila para paghiwalayin sila.

"What the?!" sigaw ni Winry. Tumingin naman ako sa likod para makita ang inis nyang mukha. Bleehh akala mo ha.

"Oops sarreh. Ang liit mo kasi eh. Di kita nakita" asar ko dito sabay peace sign. Di naman sya maliit pero mas matangkad ako sa kanya. Akmang lalapitan na sana nya ko nang dali dali akong naglakad palayo. Ayoko pa rin ng away kahit kumukulo dugo ko sa kanya.

"Maka lolo at lola akala mo close" bulong ko habang naghahanap ng makakain.

Nakaramdam naman ako ng yakap mula sa likod.

"Hindi naman halatang nagseselos ka kanina babe" natatawang sabi nito sabay patong ng baba nya sa balikat ko.

"Di ko expect na gagawin mo yun par" natatawang sabi naman ni Jayla "Kaya pala ayaw dumaan dun ni Aaron ehh" dagdag pa nya.

"Sino ba namang—- Aray" napaharap ako ngayon sa taong humihila sakin "Trina?" gulat na sambit ko sa pangalan nya "Teka san tayo pupunta?" hindi sya umimik kaya hinayaan ko nalang sya.

Huminto kami sa isang sulok dito sa school.

"What's the score between you and Hera?" paninimula nito. Teka? Nagseselos ba sya? So ibig sabihin mahal nya pa talaga ko? Napangiti naman ako dahil sa naiisip ko.

"Kung nagseselos—-"

"What?" gulat na tanong nito "Don't get me wrong. Hindi ako nagseselos. Gusto ko lang malaman kung bat kayo ganun kaclose masyado"

"Matagal na kaming magkakilala kaya sobrang close namin sa isa't isa pero sya lang yung clingy. Hinahayaan—-"

"Did you cheat on me nung tayo pa?" napaawang yung bibig ko dahil sa tanong nya "So you really did huh?"

"No. Kahit na kailangan hindi kita niloko o pinagpalit. Hindi ko gagawin yung ginawa—-" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil alam kong mali yun.

"What? Ituloy mo. Ipamukha mo sakin na niloko kita" matigas na sabi nito. Niyakap ko naman sya.

"Ano ba Lianna! Bitawan mo nga ko!" pagpupumiglas nya.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin, Trina. Sorry hindi ko sinasadya" naiiyak na sabi ko. Bat ganun? Sya yung sinabihan ko ng hindi maganda pero ako tong naiiyak?

"Fvck Lianna bitawan mo nga kasi ako!" umiling ako.

"H-Hindi kita bibitawan kahit na nasasaktan na ko. I still won't give up" kahit na sobrang sakit na ng likod ko kakasuntok nya, hindi ko sya bibitawan. Kahit na magsuka pa ko ng dugo "I just want to hug you" naramdaman ko naman na tumigil na sya.

"Bakit mo ba ginagawa to? Bakit pinagsisiksikan mo yung sarili mo sakin?" humiwalay ako sa kanya at tinitigan sya.

"Because I love you" buong pagmamahal na sambit ko. I know I look stupid right now. Mas mahal ko sya kesa sa sarili ko. I even broke my one and only rule just for her.

The One That Was Once Mine (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon