Chapter 3

30 1 0
                                    

Lianna's POV

"So? Para saan yung ginawa mo kanina?" nakapamewang na sabi ko dito sa manliligaw keme ko raw.

"Nothing at all" nakangiting sabi nito sakin. Napa face palm naman ako. Nako ano bang gagawin ko dito sa taong 'to?

"Hey" napatingin naman kami sa nagsalita. It was Hera. Lumapit ito sakin at tinuro yung kaliwang dibdib ko "How's this?"

Kumusta nga ba? Kanina okay na eh pero nung naalala ko na naman hindi ko na alam.

Masakit

"Still bleeding?" then ngumiti ako sa kanya. Feeling ko naubusan ako ng maraming dugo.
"I told you ako nalang" dagdag nito.

"Hera!" sigaw naman nina Jayla at Ira. Tumawa lang ito at niyakap ako.

"Kaya mo yan. We're here for you. I'm here for you. You can do this. I love you" bulong nito sakin na ikinangiti ko. Gumanti naman ako sa yakap nya.

Buong klase di ako nakinig. Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina.

May dahilan sya kung bakit nya ginagawa yun...

Oo tama meron nga...

Pero siguro di ko muna dapat malaman yun...

Sabi nya kahapon mahal na mahal nya ko...

Bigla naman ako nakaramdam ng tapik. Pagtingin ko si Jayla pala.

"Hinihintay na tayo nina Hera sa labas. Let's go" tumango naman ako at sabay na kaming lumabas. Pagkalabas namin, sinalubong kami ng mga kaibigan namin at nag aya na.

"I can't believe pa rin na magagawa nya yun" pangunguna ni Aaron.

"Ganun din naman kami eh. It was unexpected besh. But you know, it was a nice scene actually. Lalo na nung nagconfess ako" natawa naman sila dun sa sinabi ni Eira.

"Stupid! Wala kang karapatang magloko habang tayo pa!" napahinto kami sa paglalakad ng mga kaibigan ko "And you!"

Sasampalin na sana nya si Trina ng hawakan ko yung kamay nya.

"Don't you dare" tinignan ko to ng masaya. Agad naman nyang binawi yung kamay nya.

"Sino ka ba ha?! Bakit ka nakiki alam dito?!" di naman ako nakapagsalita sa tanong nya. Di ko rin naman alam kung anong sasabihin ko.

"Ohh" nagpose pa ito na parang alam na nya "Ikaw yung naka away ni Win"

Nagulat ako ng bigla itong lumapit sakin at hinawakan yung gilid ng sugat ko sa labi. Agad ko namang tinapik yung kamay nito.

"So girlfriend mo pala to?" sabay turo kay Trina "Pero how come na di ka nya kilala?"

Eto na naman yung sakit. Ang lakas ng epekto nun sakin. Nakakapanghina. Parang dinudurog ulit yung puso ko.

"Let's go, babe" rinig kong sabi ni Hera at hinila na ko. Kusa namang naglakad yung mga paa ko. Bigla namang may marahas na humablot sa kamay ko dahilan para mapa upo ako sa sahig.

Napatingin naman ako kay Trina na naka tayo lang. Nung nakita nya kong napatingin sakanya, umiwas to ng tingin.

"We're not done talking yet!"

"Bitch!" nagulat nalang ako ng biglang sinugod ni Hera si Sophia at pinagsasabunot to "Ayan ang nababagay sayo!"

Agad akong tumayo para tumulong sa pag aawat sa kanilang dalawa.

"KUNG AKO SAYO WAG NA WAG KA NG PUPUNTA DITO SA SCHOOL NA TO!" sabay duro nya dito "DAHIL KAPAG NAKITA KITA HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA PAGSASAMPALIN KA!"

The One That Was Once Mine (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon