Lianna's POV
"Class you will have a new classmate" pag uumpisa ng adviser naman. Wala naman talaga akong balak tumingin kaso nagsimula na yung mga bulung bulungan kaya napatingin nalang ako sa bago naming kaklase.
There she is. The first girl who broke my heart. What if napunta ako sa isang lalaki? Ganito rin kaya yung mangyayari?
"Hindi ba sya yung babaeng kasama ni Winry sa vid?" kahit na mahina yung pagkakasabi ng kaklase ko, narinig ko pa rin.
"Sya nga yun. Bakit naman sya lilipat dito? Eh kalat na kalat dito yung—-"
"Kung gusto nyong makick out dito sa school, pagpatuloy nyo yang pinag uusapan nyo" mahinahong sabi ko sa kanilang dalawa. Bawal na bawal pag usapan yung ganitong topic, lalo na at bago bago palang. If ever narinig to ng adviser namin, dadalin na agad sila sa principal's office. Tumahimik naman yung dalawa.
"Ang bait natin ah? Pinagtatanggol si ex" mahina lang yung pagkakasabi ni Jayla sa last.
"They had enough na kasi. Mas magandang kalimutan nalang yung nangyari. Baka mamaya madepress sila" paliwanag ko sa kanya at tumingin sa harapan.
"I'm Trina Aliyah Stevan. You can call me Aliyah or liyah. Nice to meet you all" pagpapakilala nya.
Napansin ko naman na papalapit dito si Trina. Nagkatinginan kami pero agad din syang umiwas at tumingin sa gilid ko. Napatingin din ako dun. May extra chair? Ibig sabihin dito sya uupo?
Nagpunit ako ng maliit na paper sa notebook ko at sinulatan to.
Welcome to my school, Trina. Let's enjoy this school year. I still won't give up :)
-Lianna
Tinupi ko na muna yung paper bago ko iabot sa kanya. Takang kinuha naman nya yun at binasa. After nyang basahin ay tumingin sya sakin. Ngumiti lang ako at humarap sa harapan.
Ewan ko kung anong naisipan nya at lumipat sya dito ng school, but all I can say is that, sumasang ayon sakin si universe. Mas mapapadali yung balak kong agawin sya kay Winry, because in the first place, ako ang nauna. I'll get back what's mine.
Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi.
Flashback...
After nung nangyari kaninang umaga, napagdesisyunan kong puntahan si Trina sa bahay nila.
Ewan ko kung bakit ngayon ko lang naisip na pumunta sa kanila. Siguro nung una gulong gulo pa ko at natatakot akong malaman yung reason nya. Pero ngayon buo na ang desisyon ko na kausapin sya.
Nagdoorbell ako at binuksan naman ng lolo ni Trina yung gate. Nagmano muna ako at ginabayan ako ni lolo papunta sa loob. Nakita ko rin yung lola ni Trina at nagmano rin ako. Tinulungan ko naman sya sa paghihiwa. Sila lang yung kasama dito ni Trina dahil nasa ibang bansa yung magulang nya.
"Anong gusto mo, apo?" tanong sakin ng lolo nya. Legal kami both side.
"Wala po, Lo. Gusto ko lang makausap sana si Trina" sagot ko dito habang naghihiwa.
"Nako apo, nag away ba kayo? Napapansin kasi namin na lagi syang wala sa sarili at matamlay" sabi naman ng lola nya. Kung pwede ko lang sabihin sa kanila yung nangyari pero baka kung mapano pa sila.
"Wala—-"
"Lian?" banggit nya sa pangalan ko. Nakangiting lumapit naman ako sa kanya.
"Sa terrace nalang po kami mag uusap" paalam ni Trina sa grandparents nya.
"Hindi ba pwedeng dito nalang kayo sa loob?" takang tanong ng Lola nya.
"Okay lang, La. Sa labas nalang kami para presko" palusot ko nalang. Mukha kasing hindi maganda yung magiging kalabasan nito.
"Why are you here?" panimula nya ng makarating kami sa terrace.
"I'm here to talk to you" hinawakan ko yung kamay nya pero inalis nya to sa pagkakahawak "I don't get it. Bakit kailangan natin magpanggap na hindi natin kilala ang isa't isa? And worst, you even b-broke up with me"
Nakatingin lang sya sakin at hindi nagsasalita.
"Kung dahil to sa video na kumakalat. Handa akong ipagtanggol ka. Hindi magbabago tingin ko sayo. Handa akong tanggapin ka ulit. Just please... please be with me again" naiiyak na sabi ko dito. Wala akong paki alam kung nagcheat sya sakin. Tatanggapin ko sya ulit.
"I don't love you anymore, Lianna" para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig dahil sa sinabi nya. Ganun nalang ba kadali yun para sa kanya? Kung maka sabi sya na hindi nya na ako mahal parang ang dali lang sa kanya "I'm sorry. I'm in love with Winry. Hindi ko sya iiwan lalo na ngayon"
Niyakap ko naman sya. Pumipiglas sya pero hindi ko hinayaan na makawala sya sa mga bisig ko "No! Hindi totoo yan! Diba sabi mo mahal mo ko? Nung isang araw anniversary palang natin diba? You even told me na wag kitang ilet go" umiiyak na sabi ko. Marahas naman nya akong tinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig. Napansin ko rin yung mga luha nya.
Lalapitan ko na sana sya ng pigilan nya ko.
"Stop it, Lianna. Umalis ka na" umiling naman ako at lumapit pa rin sa kanya tsaka hinawakan yung balikat nya.
"Kung pagsubok mo lang to, then pwede bang pumasa na ko? Dahil nasasaktan na ko. Naprove ko naman sayo na nandito lang ako lagi para sayo at hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita, Trina"
"Hindi pa ba sapat na hindi na kita mahal at si Winry na yung mahal ko?At nagawa pa kitang lokohin. Hindi pa ba sapat yun para lumayo ka sakin at iwan ako?" umiiyak na sabi nito. Pinunasan ko naman yung mga luha na nanggagaling sa mga mata nya.
"Kahit na lokohin mo pa ko paulit ulit, tatanggapin kita. Ganun kita kahamal, Trina. At kahit anong sabihin mo, hindi ako maniniwala na may mahal kang iba. Alam kong mahal mo pa rin ako"
"Please just forget about me. I deserve someone better and that's not you. We don't deserve each other" lumayo sya sakin ng konti "And please, lubayan mo na ko. Masaya na kami ni Winry"
Pumasok na sya sa loob ng bahay nila.
End of flashback...
Simula nung gabing yun, sinabi ko sa sarili ko na babawiin ko si Trina. I have this feeling kasi na parang may mali. Hindi ko lang sure kung ano yun. But right now, gagawa ako ng paraan para bumalik sya.
Never pa talagang sumagi sa isip kong manira ng isang relasyon, pero ngayon, may reason ako kung bakit. May karapatan akong sirain kung anong meron sila. Selfish na kung selfish pero nauna nyang sirain yung saamin ni Trina.
BINABASA MO ANG
The One That Was Once Mine (gxg)
RomanceDati ang problema ko lang di kita maligawan dahil hindi pwede. Bakit? Dahil pareho tayong babae. Hindi ako sigurado kung magugustuhan mo ko... Pero ngayon iba na... Kung hindi siguro ako nagconfess sayo nun, walang magiging tayo. Hindi ako masasakta...