Freshmen Year:
BUS*
Pagkababa ko palang sa bus, nakita ko na ang lawak ng school na yun. Sobrang nganga ko hanggang sa. ..
Chen: Oh my?!! . . Jessie?? Ikaw ba yan?
Jessie: Chen?!?
Chen : Jessie!!!!!!
(Bigla niya akong niyakap, siya nga pala si Chen, close friend ko at kaklase ko since Grade 5)
Habang naglalakad kami nagkwekwentuhan kami ni Chen at halos di ko na marinig ang mga sinasabi niya dahil sa pagkamangha ko sa mga trophies ng school na nadadaanan namin sa lobby.
Chen: Alam mo ba? magkasection tayo!
Jessie: Star Section ka rin?
Chen: Yep. haha. sobra nga akong excited eh, at alam mo ba? Marami raw cute boys rito
Jessie: Hmm. Pansin ko nga, pero nevermind.
Chen: Hay Naku Jessie, hanggang ngayon parin ba magiging "No Boyfriend Since Birth" ka parin?? As in? ganyan ka na forever?
Jessie: Pana-panahon lang yan Chen , tara na nga pasok na tayo sa classroom
At sa pagpasok namin sa classroom na iyon, halo-halong tipo ng mga tao ang nandun, merong nagiging ala-wrestler, may ang aga-agang kain ng kain na hindi pa mapansin ang ketchup sa gilid ng bibig, may nagjajamming sa pagkanta, may nagbabasa na halos masadsad na ang mukha sa librong binabasa niya, meron ring nag-aapply ng make up na sobra na sa puti ang mukha, at ang higit sa lahat , may mga grupo ng tahimik na kulang nalang ay itulog nalang nila ang antok.
--------------------------------------------Next Page--------------------------------------------
