Lumipas ang dalawang taon, Seniors na kami. Marami nang pinagbago , kasama narin doon ang ....
pagkakaroon ko ng first love, masaya, masarap sa pakiramdam ng may kasama, pero, . after 10 months, iniwan niya rin ako, dahil “STRICT” daw ako masyado, hanggang ngayon , di ko parin maintindihan kung bakit kaylangan pa magbago ang nararamdaman ng mga tao, hindi nila naiisip yung mga sakripisyo na ibinigay sa kanila ng taong nagmamahal ng sobra sa kanila, masasabi kong mahirap mag move on para sakin dahil una sa lahat lubos ko siyang minahal, minsan nga,. . hindi ko na naiisip ang sarili ko kakaisip sa kanya, at lahat ng kasalanan niya parang pawis lang na pinupunasan ko para mawala agad agad. Naniniwala akong hindi tayo perpekto, na sa bawat ikot ng buhay ng isang tao, ay may nagagawa pa rin itong pagkakamali. Masasabi kong meron din akong pagkakamali minsan sa relasyon namin pero. . buong araw ko toh pinagsisisihan. Hindi siya agad agad na nagpapatawad kapag nagkamali ako, kahit konti o hindi sinasadya , parang nilo-locked niya ako sa isang madilim na kulungan kapag nagalit.
Pero. . sa lahat ng nangyaring ito. .hindi ako nagtatanim ng sama ng loob, dahil . . kahit papaano , naging masaya rin ako sa kanya. Pero naniniwala rin akong , . .Hindi sa lahat ng oras , . ay nandyan yung mga taong nakikilakad sa daan ng buhay natin, kung minsan. . bigla bigla rin silang nawawala , patunay lang na. . . hindi sila ang taong ibinigay ng Panginoon para sa atin kundi, ,meron pang taong . . magmamahal sa atin ng walang pagod at pagsasawa. Kaya.. ang ginagawa ko nalang ngayon. . ay ang pagdarasal kay God, alam kong may mas maganda pa siyang plano para sa akin, dahil . . alam niya kung gaano ko minahal yung taong nang iwan sakin.
