Lumipas na ang mga araw, marami na akong nakikilalang iba’t ibang klase ng tao at doble hirap rin ako para makapasok sa Top Achievers,. Kaya Go Go Go lang ;D
(Nakita ko yung puno ng mangga sa gilid ng school, gusto ko ng tahimik na lugar na pwedeng tambayan, kaya dun ako nagsusulat ng mga kantang kino-compose ko , at isang araw habang nagsusulat ako ng lyrics para sa bagong kong song : )
Rhea: Jessieeee!!!!
Jessie: O, Rhea, nakakagulat ka naman basta basta ka nalang sumusulpot
Rhea: Alam mo naman kasi, may goodnews lang ako sayo.
Jessie: O siya, anu ba yang “goodnews” na sinasabi mo?
Rhea: Meron na akong number ni Robi !!
Jessie: O, Tapos?
Rhea: Hoy Jessie, tumigil ka nga dyan alam ko namang may pagtingin ka din sa hearthrob ng school natin noh. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya ! :D
Jessie: Hay naku Rhea, wag nyo nga ako dinadamay nila Chen dyan sa mga pag stalk-stalk niyo dyan sa Robi na yan, una sa lahat wala akong gusto doon at wala pa akong plano na magkaroon ng boyfriend o kahit inspiration dyan.
Rhea: Wehh?? Alam mo Jessie, matutunan mo rin magmahal ,lahat tayo , at.. .pwede ka rin masaktan kasi part ng buhay yan para maging mas better sa susunod. Okay? . . . pero . . haha basta , bahala ka nga dyan lam ko namang di ka makaka-relate kasi ka interested , am I right? hmm. I will go na magtetextan pa kami ni Dear Robi mo.
Jessie: Buti alam mong hindi ako interesado, teka anu yung huling sinabi mo?
Rhea: Wala po madam . Babush!
Jessie: Sige ,ingat.
*Hay naku, may tama na atah sa ulo tong mga kaibigan ko, parang ewan lang, lagi nalang yung Robi na yun yung nasa kokote , GRRRRR .. anu kayang pwedeng gawin para di na sila magkandarapa sa lalakeng yun at para mag Focus nalang sila sa studies nila?
