Hawak ko ngayon ang isang Kiyongkong. Ito ang tawag sa aming mikropono. Maaari namin itong gamitin kapag kami'y nakikipag-usap sa tao at nang sa gayo'y magkaintindihan tayo. Ako nga pala si Dhika, tiga-planetang Koykoy ako. Kasama ko ngayon ang nga iniidolo sa aming planeta. Magaling kami sa lahat. Alam iyan ng lahat.
Balitang-balita namin na kahit napakalayo namin ay sobra-sobra kung kami ay inyong tanawin. Para na kaming panginoon sa inyo. Para na kaming hari. At sa pag-angat ng inyong mga mata sa ami'y siya kunong paghina ng inyong ina. Kaya naman ay napagdesisyunan naming, pumariyan sa inyo.
Sa aming pagpunta riyan, nais naming palitan ang inyong Ina. Ang aming ina'y malakas pa ang pangangawatan. Kaya niya kayong pag-isahin. Kaya niya kayong pag-intindihin. Baka nga kayo'y magkaisa pa. Kaya, isawalang-bahala niyo na ang inyong Ina. Kita ninyong wala naman siyang silbi. Hindi na siya gumagana. Hindi na niya kayo kaya. Kaya tanong ko na lamang, kaya niyo bang ipagpalit ang inyong Inang Awike sa aming Inang Neorokn?
Balita: Mga Ispeysyip mula sa planetang Koykoy, nagsidating na.
BINABASA MO ANG
Kathang mula sa Kawalan
RandomNaglalaman ito ng mga kathang may malalim na pagpapaliwanag. Iba-iba ang paksa ng bawat katha. Ang lahat ng mga katha'y walang eksaktong tao, lugar, o anumang pinapatamaan. Lahat ng ito'y kathang isip lamang ng manunulat. Nababatay ito sa mga pangya...