Walong minuto. Saglit lang naman 'yan, pero parang isang oras akong nawalan ng kaisipan. Sa walong minutong iyan, ramdam ko pa rin ang init nitong upuan. Ramdam ko ang mga luha't hagulhol na nagbabadya. Ramdam ko ang sakit na nadarama. Ramdam ko kung gaanong kawasak ang pusong nasasaktan. Ramdam ko sa walong minuto ang pagkawala ng pag-asa sa bawat segundong mayroon ang minutong yaon. Ramdam ko.
"Huwag muna... h-huwag..." sambit ng lalaking nakatayo sa gilid ng ER. "Sir, pasensya na po. Wala na po talaga" tugon naman ng doktor na paskil ang dismayadong mukha. Bumalik na ito sa loob at naiwan ang lalaking napaupong umiiyak.
Walong minuto. Sa walong minutong pumalit ako sa inuupuan ng lalaking yaon, ay siya ring pagyao ng ina't anak na naroon sa loob.
BINABASA MO ANG
Kathang mula sa Kawalan
RandomNaglalaman ito ng mga kathang may malalim na pagpapaliwanag. Iba-iba ang paksa ng bawat katha. Ang lahat ng mga katha'y walang eksaktong tao, lugar, o anumang pinapatamaan. Lahat ng ito'y kathang isip lamang ng manunulat. Nababatay ito sa mga pangya...