Ang Kuwentong Kalsada

10 1 0
                                    

(Dahil nagbubutas na muli ng daan)

Idilat mo nga, dumilat ka nga
Ipikit naman, pumikit ka naman
Silipin unti, sumilip ka rin
Nang makita yaong mga kalsada natin.

Ke-lalawak, ke-gaganda,
ke-kikinis, ke-hahaba,
Ke-nangangamoy, nangangamoy balota
Sa gilid ng kalsada parang may punla.

Hukayin mo, hukayin ninyo
Ang punlang kanina'y sinasabi ko,
Sa kuwentong kalsada kong ito,
Sa punla'y nagkaiisa mga pangalan ninyo.

Kathang mula sa KawalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon