Sa Sabado at Linggo
Sa sabado at linggo, puro ako tunganga
Puro ako trabaho sa bahay, puro ako aligaga
Kaliwa't kanan ang ginagawa pero isa lamang ang nawawala
Ang gawaing pampaaralan na iniwan ko sa lungga.Sa sabado't linggo, hindi ako nakapagsisipilyo
Hinahayaan sariling maghapon kumai't tulog lamang ang trabaho
Sabado't linggo inilaan para sa sarili ko,
Para sa mga taong nawalan ako ng oras sa panahong nasa paaralan ako.Limang araw kaming kumakayod sa loob ng paaralan,
Limang araw kaming halos tulog 'di magaan-gaan,
Kaya sana nama'y maisipan mong pagbigyan,
Dalawang araw ay maging amin naman.
BINABASA MO ANG
Kathang mula sa Kawalan
De TodoNaglalaman ito ng mga kathang may malalim na pagpapaliwanag. Iba-iba ang paksa ng bawat katha. Ang lahat ng mga katha'y walang eksaktong tao, lugar, o anumang pinapatamaan. Lahat ng ito'y kathang isip lamang ng manunulat. Nababatay ito sa mga pangya...