HNA 2

6 1 0
                                    

Months passed by and it felt like days. Sobrang bilis ng paglipas ng panahon. Magmi-mid-term na nga kami para sa second sem.

"Bal. Alis na muna ako. Susunduin ko pa si Megan eh."

"Sabi mo ihahatid mo'ko?"

"Maybe next time nalang bal. Alam mo naman yong si Megan. Madaling mainip." Hindi na niya ako hinayaang magsalita at umalis nalang bigla. Napakawalang modo talaga.

Well mas importante nga naman si Megan kaysa sakin. Sino ba naman ako hindi ba? I'm just his fucking bestfriend.

"Oh Chel. Sumabay ka na samin. May maghahatid ba sayo o susunduin ka ng papa mo?" Si Angel na nag-aayos ng kanyang gamit.

"Hindi na. Una na ako sa inyo. Bye!" Tumango naman sila kaya dali-dali akong umalis at nagpunta sa hideout namin ni Seve. Isa itong abandoned place na pinaganda namin ni Seve. May mga flowers narin ito, hindi katulad ng dati na sobrang mabaho at sandamakmak ang basura.

Umupo ako sa isa sa mga bench na ginawa rin namin ni Seve. Napangiti nalang ako sa tuwing na-aalala ko ang mga kahapon naming dalawa. But now, it's different. She have her, and I have nothing.

Unang ipinakilala sa amin si Megan ni Seve after our finals for the first sem. It was really a hard time for me facing the bort of them. They were smiling, catching glances with each other and all I can say was that they were so inlove with each other. How I wish it was me holding his hand.

Me and my friends were sitting at the back of our classroom and Seve was nowhere to be found. I thought he was busy practicing for the band but I was very wrong.

"Where's Seve pala Chel?" Liam asked me while holding Jeanly's hand. Sweet.

"I don't know. Bigla nalang umalis pagkatapos ng klase." Sabi ko sa kanila as I shrugged my shoulder.

"Hindi ba talaga kayo mag-on ni Seve Chel? No harsh feelings here but I'm just really curious. You guys are like a couple." Nagkatinginan kami ni Jeanly dahil sa sinabi ni Angel. Well Jeanly knew about my feelings for Seve. If Seve's my boybestfriend then Jeanly's my girlbestfriend.

"We're just friends guys. You know I--"

"Look who's here? And who's that bitch?" I arched my forehead as I looked at Jeanly. I guess she was pertaining to someone else dahil nakatingin siya sa likod ko. Dahan-dahan akong napalingon sa likod.

The two of them were heading towards us.Their hands were perfectly intertwined. My heart was beating eratically. I tried to look calm and held my breath for a second.

Naramdaman kong lumapit si Jeanly sa tabi ko, "Don't cry in front of them or I'll kill you," she whispered while tapping my back.

Have you ever imagined being in a situation like this and you can't do anything about it but to endure the pain you felt. It was like a hell for me.

"Hey everyone. Wazzup bal. This is Megan. My girlfriend. Megan they are my friends and most of all my bestfriend. Chelsey Morgan."

He was very proud introducing Megan to us. Megan looked so angelic, with her soft skin and lips. An every man's dream to be with. Far from me.

"Hi! Nice meeting you all." As soon as she spoke I became more insecure. Fuck. She's an angel literally. And I'm a mess, a total disaster.

"Nice meeting you too. Chel sabi mo mag-eencode tayo tara na baka marami ng tao sa com. lab." Jeanly held my hand as we started running and my tears ran down my face.

Ang sakit. Sobrang sakit. Ang saya niya, sobrang lapad ng ngiti niya at hindi ko pa siya nakitang ngumiti ng ganun. He really love Megan and kill me now it hurts. Ano pa nga bang magagawa ko? I am nothing compared to that girl. She's a damsel and I'm a stress.

While reminiscing hindi ko mapigilang mapaluha sa sakit na idinulot sa akin ng panahong yon. Mapakla akong napatawa. Bakit ko pa ba iniiyakan ang isang taong masaya na sa iba. Dapat nga ay masaya ako para sa kanya because I'm his bestfriend. But this goddamn heart won't stop throbbing. Pisteng puso naman to.

I'm in the middle of wiping my tears as someone aprroaches me in a distance.

"Bal. Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap, akala ko umuwi kana. Nung tumawag naman ako sa inyo wala ka pa raw sabi ni tita. Mag-a-ala-sais na oh."

Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at napabuntong-hininga. Humarap ako sa kanya na nakangiti.

"Ah hihi. Natuwa kasi ako sa mga bulaklak eh kaya hindi ko namalayan ang oras. O sige. Mauna na ako huh." Iniligpit ko muna ang mga gamit ko bago tumayo sa pagkaka-upo.

"Ihahatid na kita. Bilin din ni tita." Tumango nalang ako kaysa naman magpachoosy pa'ko.

Nang makarating na kami sa bahay ay nadatnan namin si mama na nag-aabang sa labas ng gate.

"Naku naman Chelsey. Ba't hindi ka umuwi ng maaga?" Baling ni mama sa akin.

"Sorry po ma." Napabuntong hininga na lamang si mama at napatingin kay Seve.

"Salamat Seve huh. Pumasok ka muna sa loob nakahanda ang pagkain."

"A-aalis na siya ma. Diba bal?" Tiningnan ko siya na nakangiti at nagtataka naman itong nakatitig din sakin.

"Sige po tita. Medyo gutom narin po ako." Nagtuloy-tuloy sa pagpasok si Seve sa bahay. Nakakainis ayoko ko kasing makita siya ng mas matagal. May kirot parin kasi sa puso dahil sa ginawa niya.

Pumasok na lamang ako at nag dere-deretso sa kwarto. Nagbihis na ako ng pambahay tsaka bumaba na para kumain.

Nakamaong shorts lang ako at malaking t-shirt. Komportable kasi ako sa ganitong ayos. Nagtuloy-tuloy ako sa upuan habang hindi iniinda ang titig ni Seve sakin. Nakakailang tuloy. Kung ba't ba kasi nandito pa'tong gagong to.

Nagsimula na kaming kumain at pawang kay Seve lang nakatuon ang atensiyon ng mga magulang ko. Like hello nandito ako. Ako yong anak niyo hindi yang mokong yan. Tangina.

"Kumusta naman itong si Chelsey sa school Seve?" Tanong ni papa kay Seve.

"Chelsey parin po. Yon nga lang parang nagdadalaga na. Nakikita ko siya nagblu-blush." Tumawa naman sila na para bang joke yong sinabi ni Seve.

Hindi ba nila alam na halos mamatay na ako dito sa sobrang kaba. Nginisihan naman ako ng kapatid kong demonyo na wari'y tinutukso ako at palipat-lipat ang tingin sakin at kay Seve. Pinanlakihan ko siya ng mata na ikingisi pa nito lalo.

Matapos naming kumain nagpaalam na si Seve sa mga magulang ko. Inihatid ko siya sa labas. Nakasunod lang ako sa kanya ng bigla itong humarap.

"May problema ba bal?" Napatingin ako sa kanya.

"Ah. Wala wala. Sige na umalis kana.,Malalim na ang gabi." I smiled sweetly at him to hide the pain lingering in my eyes.

"Sige. bye. Love you bali."

"Love you too baliw." Mahal kita hindi bilang kaibigan ngunit higit pa riyan. Sana nga at yang I loveyou mo ay hindi dahil bestfriend mo'ko. Sana ay nakikita mo rin ako na magiging kasama mo habambuhay. Not as a bestfriend but as a lover.

Happy Never AfterWhere stories live. Discover now