Maaga akong nagising kasi nga mid-term. Kailangan ko pang mag-aral. Kakapagod talagang maging studyante.Naligo na ako kahit sobrang ginaw pa, for pete's sake 4:00 am palang. Hindi na kasi ako nakapag-review kagabi dahil nakipagdaldalan pa over the phone si Seve. He was talking all about Megan Megan and Megan. WTF! Hindi niya alam na nasasaktan na ako masyado. Hindi ko ko lang magawang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
After kong maligo ay nagbihis na ako at nagpunta sa baba. Nadatnan ko si mama na nagluluto na. Pansin ko lang, sobrang aga talaga magising ni mama.
"Ang aga mo yata Chel?" Bungad niya sakin pag-upo ko pa lamang.
"Mid-term ma. Kailangan kong mag-aral." Tugon ko naman at kumuha ng hotdog at bacon at inilagay ito sa aking plato.
"Dito ka pa mag-aaral o sa school niyo?" Tanong niya ulit habang tinitimpla ang gatas na para sakin.
"Sa school po ma. Pero maybe 5:30 na ako pupunta doon. Kanila Jeanly muna ako tatambay."
Hindi nagtanong ulit si mama at nagpatuloy nalang sa kanyan ginagawa.
After kong kumain ay nagpaalam na ako kay mama at inihatid naman ako ni papa.
Few minutes after, nakarating na kami sa bahay nina Tita Maricel. Alam kong gising na ngayon si tita, for sure nagluluto narin yon. Ganyan ba talaga pag tumatanda na? Ang weird tuloy.
Pumasok na ako sa loob pagkatapos magpaalam ni papa. Nadatnan ko si tita na inilalatag ang mga pagkain sa mesa.
"Hello tita. Good morning po." Masayang bati ko sa kanya na ikinabigla naman nito.
"Diyosko. Ikawng bata ka. Aatakihin ako sayo." Sabi niya sakin habang hawak-hawak ang dibdib niya.
"Sorry po. Bukas po kasi ang gate kaya pumasok nalang ako."
"Kumain ka naba? Kumain ka muna. Tulog pa siguro yon si Jeanly."
"Hindi na po tita. Kumain na po ako. Sa sala nalang po ako magre-review."
Tumango naman ito bilang tugon at nagtungo na ako sa sala. Naupo ako sa pinakadulo sa right side at inilabas ang mga hand-outs ng mga subjects na e t-take namin ngayon.
Hindi ko namalayan ang oras, mahigit isang oras narin pala akong nag-aaral kasi 5:00 am na. Medyo masakit narin yong mata. Nakaka-antok pa nga eh. Ipinikit ko ang aking mata para naman makapagpahinga ito. May 30 minutes pa ako para umidlip. For sure okay nayun para hindi ako magmukhang zombie pagpasok
***
5:45 na ako nagising. Medyo napasarap ang tulog ko. Hindi rin ako ginising ni tita, baka busy yon sa mga gawaing bahay.
Iniligpit ko ang gamit ko at nagpunta sa kusina. Nagbabasakaling nandun si tita at makapagpaalam ako. Pero wala siya sa kusina. Natulog siguro ulit yon. Maka-alis na nga lang.
Papalabas na ako sa gate ng makita ko sa di-kalayuan si Seve kasama si Megan. Sa ibang school naman nag-aaral itong si Megan ba't magkasama sila? Wala ba tong klase? Napataas ang kilay ko, hindi sa nagtataray ako pero meron kasing klase ngayun at babae pa siya. Hindi magandang pakinggan na inu-una ang landi kaysa pag-aaral.
Nagpatuloy nalang ako sa aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa gate ng school namin. Nasa gilid sina Seve at Megan, nag-uusap siguro sila ng masinsinan kasi parang hindi nila feel na dumaan ako. nakakabwisit.
Kaysa naman lalo pang mawala ang mood ko dali-dali akong nagpunta sa room namin. Wala pang tao, 5:50 palang kaya ako lang mag-isa.
Hindi na ako magre-review ulit baka maperfect ko na yong exam. Ang sakit narin sa ulo kaya kinuha ko nalang ang phone ko at nagpatugtog. Inilagay ko ang headphone sa ears ko at ipinikit ang aking mata. Ito talaga ang stress reliever ko maliban sa pagkain syempre. Listening to music keeps me at ease.
Ilang kanta pa ang napakinggan ko bago ko minulat ang aking mga mata. Nabigla ako sa taong nasa harapan ko. Nakatitig lang siya sakin at muntik na akong malagutan ng hininga sa pagtitig nito.
"Bal. Kanina ka pa?" Tanong ko siya at sinubukan ko talagang hindi mapiyok. Litseng puso naman to ang lakas masiyado ng tibok.
He smiled at me and it melt my heart. " Medyo. Nakapag-review ka naba?" Baling na tanong niya sakin at umupo sa tabi ko.Relax ka lang heart. Si Seve lang yan. Bestfriend mo yan.
"Ah Oo. Ikaw ba?"
"Konti." He answered as he lean his head towards my shoulder. How I miss this moment with him.
"I miss you bal." He said, eyes closed and our hands intertwined.
"Miss daw eh parang hindi mo na nga ako naaalala. May Megan kana nga." Pagtatampong saad ko sa kanya.
Totoo naman talaga. Puro nalang si Megan yong gusto niyang makasama.
"Hahaha! Nagseselos ka bal. Namumula tenga mo."
"Pake mo ba." Inismidan ko siya at lumayo ng konti sa kanya pero magka-holding hands parin kami.
"Sorry na bal. Babawi ako sa susunod." Pagsusumamo niya sakin at ipinilig ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Hindi na. Basta ba masaya ka sa kanya solve na ako dun." Totoo lahat ng sinabi ko kahit nasasaktan ako. Kapag kasi nakikita ko na siyang ngumingiti nawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"So, siya ba yung sinasabi mo na manhid na babae na matagal mo ng gusto?"
Hindi ito umimik at nakatingin lamang sa kawalan. Napatingin ako sa kanya at naghintay ng kanyang sagot.
"Hindi." Bulalas nito. I arched my forehead habang nakatingin sa kanya.
"Then who?" I asked curiously. Malay mo ako diba kahit alam ko namang imposible.
"Ikaw." Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sakin. I'm drowning with his stare and I can't help myself from ceasing to breath. My heart is gonna blow from too much nervousness right now.
"Ah. eh. A-ano kaba. Anong yang pinagsasabi mo. Hind magandang biro yan." Nagkanda-utal-utal pa ako habang sinasabi ang mga katagang yon.
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Binitawan niya ang kamay ko at biglang tumayo.
"Diyan. Diyan ka magaling. Biro lang sayo ang lahat. How many times I've tried to tell you about what I feel? But you only think I was joking. Hindi mo alam na nasasaktan na ako sa tuwing binabaliwala mo lang ang mga banat ko. I don't want to ruin our friendship that's why I hide my feelings for you. Ang manhid mo. Napakaha manhid mo."
I can't utter a word from his sudden confession. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Ako? Ako yong babaeng tinutukoy niya? Damn it.
"Ano? Hindi ka ba magsasalita. Wala kaman lang reaction sa mga sinabi ko. Damn! You are still numb."
Tinalikuran niya ako at humakbang papaalis ng classroom namin. I can't move my feet. Gusto ko siyang sundan at sabihin sa kanya na pareho kami ng nararamdaman. Pero hindi ko magawang maihakbang ang paa ko. Para bang nakaglue ito.
Nawindang ang buong sistema ko sa sinabi niya and that made me happy. Now I know that he's inlove with me then I'm gonna get him. Megan is a nice person but I can't let myself to suffer again when I already knew that he's mine from the very start. You're going to be mine Seve, just mine.
YOU ARE READING
Happy Never After
General FictionHappy never after. Isang storya ng pag-iibigang mauuwi nga ba sa never after? O pwede pang maging Happy ever after. Tagalog-english Mytheloves :*