Sorry for the wrong grammars po. Hope you'll like it. :*
~
"CHEEEEEEEEELSEEEEEEY! ANO BA. TUMAYO KANA DIYAN AT MALILIGO KAPA MALI-LATE KANA SA FIRST DAY MO BILANG SENIOR HIGH. TAYO NA AT BAKA BUHUSAN KITA NG MAINIT NA TUBIG." Nawindang ang katawang lupa ko sa pagsigaw ni mama. Grabe naman 5:30 palang ng umaga nambubulabog na.
Ma naman. Ang aga pa eh. 10 minutes more please." Inaantok kong sagot sa kanya at nagtaklob ulit ng kumot. Ang tagal ko kasing natulog kagabi, kasi naman napakadaldal ni Seve. Akala mo naman nakalunok ng inahing manok sa kakaputak. Haaay!
"Okay. Maglakad ka nala--"
"Ito na nga oh. Tatayo na, maliligo na. Mag-aayos na, sandali lang." Hindi ko pinatapos ang sasabihin pa sana ni mama. Ayoko kayang maglakad, ang layo pa ng skwelahan ko.
"Good. Sa baba lang ako anak. Bilisan mo." Isinarado na ni mama ang pinto ng aking kwarto at nagsimula ko naring gawin ang morning rituals ko. Naligo, nagsuklay, nagpulbos at lip gloss and boom ang ganda ko na.
Pagkatapos kong pagmasdan ang aking sarili sa salamin ay bumaba na ako. Nadatnan kong nagbabasa si papa ng newspaper, si mama na naghahain ng pagkain at ang kapatid ko na kumakain na.
Tahimik akong umupo at kumuha ng pagkaing inihain ni mama.
"What happened to your eyes? Para kang zombie." Tiningnan ko ng masama ang aking kapatid na nasa harapan ko lang at tinaasan ko ng kilay.
"Pwede ba Mich 'wag ngayon. Wala akong gana makigpag-asaran sayo." Tugon ko sa kanya na ikangisi naman nito.
"Talaga sis? Hmmmm. Matanong nga kita. Crush mo parin ba ang bestfriend mo at pinupuyatan mo na masiyado." She said with a smirk.
I tried to calm myself para iwas gulo. Yes I do love my sister but sometimes she's so paranoid about things. Matagal nayon Mich. Kumain ka nalang diyan at nagmumukha kanang poste."
Bigla naman siyang nainis sa sinabi ko pero imbes na pumutak pa siya, tumahimik nalang ito.
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa shool which is the Villa Amore National High School.
Pagpasok ko pa lamang sa room ay umalingaw-ngaw na ang nakakabwisit na boses ni Seve.
"CHELSEY! Kanina pa kita hinihintay. Akala ko mali-late ka buti nakahabol ka. Naenroll ka naba?" Nakangiting sabi nito at hinahangos pa.
I raised my eyebrow and looked at him intently, "Seriously Seve? Tinatanong paba yan? Malamang OO. Itutulad mo naman ako sayo."
"Sorry naman. Ang highblood naman ni BAL! Samahan mo ko paenroll para pareho tayo ng section." Hinila niya ako sa kung saan-saan. Wala rin naman akong magagawa dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa wrist ko. Akala mo naman ay tatakas ako.
Pagkatapos niyang magpaenroll ay dumeretso na agad kami sa room kung saan naghihintay ang iba pa naming mga kaibigan. Nasabi ko na ba na silang lahat ay mag boyfriend-girlfriend? Si Jeanly at Liam, Angel at Chad, Monick and Brandom, Seve at ewan ko kung sino ba jowa. May nabanggit kasi niya sakin kagabi tungkol sa babaeng gusto niyang ligawan. Aba! Pake ko naman at ba't pa pinapaalam. Tsk.
Ayun na nga umupo na ako sa pinakadulong upuan katabi si Seve. Actually 3 years na kaming mag-bestfriend nitong si Seve. Ang hirap paniwalan na kamakailan lang ay hate ko siya. Yong tipong ayaw ko siyang makita kasi nga nakakabanas, ang yabang naman kasi. Varsity siya ng volleyball at basketball. Ewan ko ba at bakit mahilig siya sa mga bola. Mahilig din siyang kumanta, marunong mag-gitara at di hamak na gwapo rin siya.

YOU ARE READING
Happy Never After
Fiksi UmumHappy never after. Isang storya ng pag-iibigang mauuwi nga ba sa never after? O pwede pang maging Happy ever after. Tagalog-english Mytheloves :*