Vivienne's POV
(8:00am)
(Monday)(Classroom)(Section:CA202)
Ay kingina... nasakit parin ang ulo ko dahil sa hang over. Napainom kasi ako kagabi gawa nila Val, kainis. Nandito ako ngayon sa classroom at mukang napaaga ako dahil wala pa dito ang mga classmate ko, gusto lang talaga nila yung nalalate sila. Chos! Hahaha. Tapos bigla namang bumukas yung pinto.
"OH MENDOZA! Ang aga mo ata ngayon!" Jim said.
Natawa naman ako sa pagkaenergitic nya.
"Tigilan mo nga ako, lagi naman akong maaga noh!" I said at tumungo nalang ulit para matulog pa.
8:30am pa kasi ang start ng class namin. Bakit kasi morning shift kami eh... ang hirap kayang bumangon. Magpalipat kaya ako sa night shift? Kaso baka isumpa ako nitong mga friends ko dito hahahaha. Pero ilang saglit lang ay napaidlip ako ng hindi ko namamalayan.
Biglang itinulak ako kaya ako nagising.
"Mendoza!" Ms. Agripa said at nakataas nanaman ang kilay nito.
"YES MA'AM!"
"Sinisigawan mo ba ako!?"
At nagtawanan naman yung mga classmate ko.
"Hindi po ma'am hehe." I said and scratch my head.
"Ang aga aga mo kasing matulog sa klase ko."
"Sorry po ma'am." I said apologetically.
"By the way Good morning class."
"Good morning Ms. Agripa!" We chorused.
"I want to announce something. Kilala nyo naman si Mr. Costales diba?"
"Opo ma'am!"
"Mr. Costales is having an insomnia and anxiety attacks. He's not very well kaya naidrop nya yung klase nya sa subject nato sa BA202, Kinausap ako ni Mr. Costales na kung pwede ako muna yung mag handle sa BA202..."
"Ma'am... Makakasama namin yung BA202 dito?"
"Definitely Mr. Alonzo! Nandyan na sila sa labas konti lang naman kayo kaya magkakasya ang section nila dito."
"Eh Ma'am hanggang kalian namin sila kasama dito sa subject?"
"Hanggang sa next sem pa dahil ang Next 1st sem pa ang balik ni Mr. Costales kaya ako na muna ang mag hahandle sa kanila."
Bigla namang bumulong sakin si Val.
"Viv... diba... yung BA202 yun yung Marketing dba."
I nodded.
"OMG... diba mga gwapo yung nasa marketing!?" She whispered again.
"Oo ata... ang alam ko BA202 yung Ex mo ah..." I said and smirked.
"Sinong Ex!?"
"Si Napoles remember?" I said with teasing smile.
"You're kidding right?"
"Nope. Hahaha."
"What? No..." She said in pissed tone and I just quietly laughed.
"Class quiet..."
Hanggang sa pumasok na yung mga taga BA202 sa loob ng room namin at naupo sila doon sa likod dahil doon bakante, at tama nga ako... BA202 nga yung Ex ni Val HAHAHAHa well hindi rin pala sila ganoon kadami pero ang INGAY dahil karamihan sa kanila ay lalaki! Kingina! Kung maingay yung section namin... lalong umingay dahil yung mga babae dito sa section namin eh pinagkakaguluhan yung mga lalaking may itsura doon sa BA202. Kainis. Buti nalang medyo strict itong si Ms. Agripa kaya tumahik na silang lahat ng nagsimula ng mag lecture ito.
BINABASA MO ANG
Blood Moon
RomanceNew story of mine, MaiChard fiction! it's for you to find out what the story about. READ IT NOW! WARNING SPG!!!!!