Level 13.2 Isa pa!

313 6 8
                                    

“Tulog pa rin? Hay naku tama ka nga bespren , mantika nga sya.”  Bespren pa din? tsk.. napatingin si Yanskie kay Nathan, parang humihingi lang ng pahintulot sa pagtawag ulit nya ng bespren.. ngumiti naman si Nathan, ibig sabihin, ok lang na bespren parin tawag nya tutal, kahit sila na eh magbespren pa rin naman sila.

“See? Mana sayo  yan eh. Hirap yan sa paggising.. “- Naupo sila pareho sa magkabilang side ng kama. Nasa gitna na nila si Yanna nun.

“Weh, nagsalita po.. Parang ambilis mo magising ah. Hmmm. Bespren my labs..” hehe, di natuloy ni Yanskie yung sasabihin sana nya kasi natawa si Nathan.

“Bespren my labs ha.. hehe.. gusto ko yan..Ano pong sasabihin mo aking mahal na mapapangasawa?” may kindat mode na naganap.

“hehe, kasi po bespren my labs, gumagabi na po. Uuwi na po sana ako kung inyo pong mamarapatin mahal na hari.”

“ha? Hindi maaari aking reyna. Dito ka matutulog ngayong gabi. Dito sa aking tabi.”

“Hala, Nathan panget, hindi pwede. Kasi po kelangan ko na pong umuwi..May gagawin pa po ako sa bahay.”

“Tsk. Ehhhh. Dito ka lang. Period.”-Nahiga na si Nathan tas pumikit. Bastusan lang daw.. hehe

“Uyyy! Nathan, panget, ungas,..bespren..my labs… wag mong tulugan..”-yugyug mode kay Nathan. Lumipat talaga sya sa side nito para mas mahampas nya. Tulug tulugan parin ang drama ni Nathan.

“Kainis ka. Uwi na ko.” Sabay kawak lang ni Nathan sa kamay nya.. Ayaw na pakawalan..sakto namang namataan nya yung laruang posas ng pamangkin niya kaya ayun.. pinosas ang kamay ni Yanskie sa kamay niya.

“Nathan!!!! Nung ginagawa mo??tae ka.”

“Yan. Hindi kana makakaalis.. Hahaha! Matibay ata tong posas ni Raffy. Ako bumili neto eh.”

“tsk. Epal.” Waaaah, kunwari pang asar eh gusto naman.. hehe

“Pano ko wiwiwi neto. Bahala ka jan. Tanggalin mo to.”

“Ayaw. Matulog kana nga po.” Ngiting ngiti lang naman talaga si Nathan. Sabay higa ulit..

“Arayy!! Pano ba ko hihiga nito. Mangangalay kaya ako.. tayo ka nga.”

“Teka lang, may naisip ako.. hehe” sabay tayo lang ni Nathan. Inayos ang crib ni Yanna at nilipat dun ang baby nila.. yun oh.. mukhang makakascore ah.. tsk tsk..tinignan nya si yanskie sabay ngiti..”ayos ba bespren my labs? Hehe. Wala ng storbo noh. Maaakap mo na ko, libre ka na.. haha higa na po, game!”

“Game mo mukha mo. Tulog na ko..” waaah, arti artihan nanaman ba yan Yanskie?

“Wuuuh, kunwari pa tong si Yanksie. Yiiiiih, teka lang pala, papatayin ko ilaw.”

'‘Tsk.. nu ba yan panget, patayo tayo ka naman. Hirap kaya.. tanggalin mo na kasi tong posas.”- magkasabay silang tumayo sabay patay lang ni Nathan ng ilaw..kahit asa dilim, halata ni Yanskie na nakangiti ang ungas..

“Amina nga po yung kumot.” Yanskie

“Oh eto po aking reyna.. hihihi.. sukob po tayo sa kumot ah. Wag ka po madamot.” Kumotan mode.

“Ang ligalig mo. Gudnight na nga bespren.” Yanskie, pikit mode.

“Yun lang? Nagpakahirap ako tas yun lang? Waaah, di po ako papayag.. hmp! Yanskie, bespren my labs..” pareho silang nakatihaya nun kasi nga nakaposas diba. Kaso tong si Nathan, maligalig talaga, tumagilid para daw dikit na dikit lang.. hihi, nilapit nya lang talaga yung mukha niya sa mukha ni Yanskie.

“Ano nanaman po?” tsk.. kulit lang talaga neto ni Nathan.. kiss lang ata gusto neto eh.. mapagbigyan na nga para matahimik na. kaya ayun, di pa mandin nakakasagot si Nathan, dikitan mode na agad ng mga labi. Halatang nagulat si Nathan nun.. oooops, ano nga ulit nangyayari pag nagugulat ang bida natin? Tsk tsk… si twitter?? Tsk..patay na.. buti nalang patay ilaw nun kundi makikita ng mga readers.. hahaha

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon