Level 12.2 bati na?

306 7 17
                                    

“Grabe tol, intense!! Eh magpapakasal na ata yung dalawang yun eh. Kung makapagholding hands, parang wala ng bukas. Tsk tsk.”- Anghel, habang nag kkwento kay Nathan. Dumalaw kasi tong si Nathan sa mga pamangkin nya.

“yaan mu sila tol. Wala na kong pakielam. Eh ano naman.. ”- Waaaah, sakit Nathan, alam ni Karu yan.. dumaan din sya sa ganyan..

“Eh tol, gusto ko na nga sanang sapakin kanina  para sayo. Kaso nga lang andun si misis baka magalit sakin..lam mo na..”

“under ka pa rin hanggang ngayon? Tsk.. tol naman, ilang beses ko bang sasabihin syo na wala akong pakielam. W.A.L.A “

‘Bahala ka nga tol.. hirap sayo duwag mo.. halata naman na mahal mo pa si Yanskie.. kaya nga di ka makaalis alis diba? Tsk tsk..”

Tahimik lang si Nathan.

“Pero ngayon, ano ka ngayon.. kasalanan mo rin. Di mo pinagtapat na mahal mo. Yan tuloy.”

Nathan’s pov- tumigil kana pwede? Naririndi na ko.. puro nalang Yanskie. Wala bang iba?hay

“Pupunta ba sya?” –Nathan hindi na nakapagpigil

“Haha, edi lumabas din ang totoo.. tsk.. parang hindi. Pero wag kang mag alala tol, gagawa tayo ng paraan..”

“Eh ano kung di sya pumunta? Tsk.. “

“Basta pupunta yun. Kaming bahala.”

++++0+++++

“Uy Yanskie, anong balak mo sa Wednesday? Birthday ni Nathan ah. Magbati na nga kayo. Sayang din yung pinagsamahan nyo ah. Kala ko pa naman kayo talaga ang meant to bed.. Hay, pumusta pa naman ako sa kanya.. Eh wala rin. Talo ko sa pustahan..”- Joy. Epal lang, nagpustahan kasi sila ni Tina kung si Maku or Nathan.. Matalo bayad ng five hundred..

“Buti nga sayo. Haha, ayoko nga sya makita eh. Ibati mo nalang ako. “

“Nu ba yan. Bat ba kasi ang arte mo? Anong drama mo ah. Eh di naman porket kayo na ni maku, kakalimutan mo na yung pinagsamahan nyo ni Nathan diba. Asan na utak mo?” waaaaah, eto talagang si Joy, napakaprangka.. tsk.. malapit na tong masaktan ni Yanskie eh.

“Hoy, Wag mo nga kong pagsalitaan ng ganyan ah. Di mo alam pinagdaanan naming ni Nathan. Badtrip ah.”

“Bahala ka. Eh yung tao nga handa na daw na makipagbati sayo. Tas ikaw, paepal ka pa. Umayos ka na nga. Magmature ka na nga.”

Tahimik lang si yanskie.. may point ka Joy.. Sa bagay, dapat  naman wag na kong mag inarte.. tsk.. konting pilit pa, pupunta na ko.

“Gusto mo pa kasi pinipilit ka eh. Ano?”- Bat parang naghahamon pa tong si Joy?

“Pilitin mo ko.”

“Letse! Di wag kung ayaw mu! Hahaha!” tae talaga tong si Joy. Reverse psychology ba tawag dun?hehe

“Bwiset ka!.. ahhmm..Anong oras ba?”- Yun oh mukhang lumalambot na ang puso ng bida natin ah..sa totoo lang, hindi naman bagay sa kanya ang magpakipot at mag inarte eh.. kay Fate lang ata bagay yun.. haha

“Waaaaahhhh! Nyahaha! Sabi na eh.. kilalang kilala na kita Yanskie.. hihihi”

“Sasampalin na kita. Tigilan mo ko Joy.”

“Hahahaha! Eh kasi naman, arte arte mu.. yiiiiih.. basta pupunta ka na ah.. wala ng bawian yan.”

“Teka, bat parang ansaya mo ah. Ano nanamang kalokohan nag nasa isip mo?”

“eh kasi nga, nagpustahan nanaman kami ni Tina. Kung sino makakapagpapayag sayo na sumama sa birthday ni Nathan pogi mey five hundred.. haha, bawi na ko.. hihihi”

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon