Level 14: i CouLd nOt Ask for m♥re....

269 6 17
                                    

Fast forward.. Week before the wedding nila.. Bilis lang daw ng mga araw eh. Akalain nyo ikakasal na talaga ang dalawang bida natin.. Tutal naman daw ay dun din naman mapupunta eh bat patatagalin pa..tsk tsk.. yun.. bago sila ikasal ay nagdate daw muna sila sa Enchanted kingdom. Kahit papano kasi ay gusto nilang ienjoy yung maiksing moment na mag boyfriend girlfriend sila.. bukod pa duna gusto nilang ipasyal si Yanna na one year old na last week.. Ayun. as usual late si Nathan kaya papansin mode nanaman si Yanskie..

Sa EK, dun na sila nagkita kasi may biglaan photoshoot si Nathan kaya di na nya nasundo si Yanskie..Kaya eto nag iinarte nanaman..

"Nu ba yan, late ka nanaman. Akin na nga muna si Yanna. Hi Yanna,  miss mo si mommy?" karga sabay kiss kay baby Yanna. Sabay talikod kay Nathan..

"Oh bat si Yanna lang ang may kiss ah, pagod na pagod na nga ako tas nang aaway pa yung isa jan.. Tara ride na tayo, roller coaster agad..hihi"

Yanskie's pov- tamo tong kumag na to, wala talagang kasweet sweet sa katawan.. hmp! nagtatampo na nga ako hindi pa nya mahalata..tae talaga.

Dire direcho lang sila sa entrance ng EK nung hatakin ni Nathan yung kamay niya.

“Anu ba..bigat bigat na nga ni Yanna eh.”

“Hala…Ang sunget? Meron ka bespren? Hihihi”

“Che!”

“Bespren my labs…galit ka ba? Bakit? Wait…” Sabay labas lang ng camera nya..Actually nakalabas na talaga, nakasabit lang sa may leeg niya.. Nagpose na sya na  parang ready na kunan ng picture si Yanskie.

“One..two..smile naman jan.. Yanna baby..”

Yanskie’s pov- Si Yanna lang? panu ko? Hmp! Ayoko nga magsmile. Galit ako sayo.. nagphotoshoot ka nanaman ng mga sexy na models..tae.

“Ayyy.  Yanna, pakisabi nga kay mommy magsmile naman sya. “ Click ng camera. Hindi na nya naantay magsmile si Yanskie kasi biglang nagsmile si Yanna eh. Ang cute lang daw.. hehe swerte lang ni Yanna andami na nyan baby pictures..

“Wow.. Nice shot.. cute talaga ng baby ko. Oh kaw naman Yanskie.”

Yanskie’s pov- huh? Ako? Massmile na ba ko?- Yanskie smile mode. Kaso sabay abot sa kanya ni Nathan ng camera eh.. ibig pala daw sabihin ni Nathan siya naman daw kumuha ng picture nila ni Yanna.. haha.. patay na.. umusok na ilong ni Yanskie.. badtrip na talaga sya.. Pano kasi hindi manlang nya makitaan ng kasweetan tong si Nathan nitong  mga nakaraang araw. Puro Yanna nalang.. Kala mo totoong anak nya eh.. Tsk.. hindi naman sa galit sya kay Yanna or something.. selos? Tsk.. hindi rin, kasi love na love nya kaya si Yanna na parang totoo niyang baby.. si Nathan lang talga ang problema nya.. Kulang na nga yung oras para sa kanya tas hindi pa nya makita yung kasweetan na hinahanap nya… Lam nyo yun, kahit na sabihing may nangyari na sa kanila, parang bespren pa rin tingin sa kanya at hindi girlfriend.. yun yung feeling niya.. Pero malay nyo feeling lang niya yun.. Masyado lang siguro syang nag eexpect.

Yanskie’s pov- Nakakabadtrip naman tong unggoy na to.. wag ko kayang ituloy yung kasal.. tsk.. makikita niya..Oooops, teka parang si Tina at Jhoan yun ah.. nung ginagawa nila dito? Akala ko may date sila dun kay Ryan at tropa nun.. hmmmm. Mukhang may nangyayaring di ko alam ah..

“Yanskie, anu na.. tagal naman..kanina pa kami nakapose oh.. Game na!”

Pagbigyan. Click ng camera Yanskie.. Ok lang yan.. sabi  ni Karu part daw talaga yan ng relationship.. Feeling mo lang yan.. labs ka kaya niyan ni Nathan.. try mo kayang balikan yung last chappie.. hehe

“Naiihi ako.. wait lang.. dito lang muna kayo ni Yanna..”hmm, gusto ko munang sundan yung dalawa.. tignan ko nga baka may ka eyeball lang..

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon