Level 13: Di na mapigil..

314 7 25
                                    

“Hala nakatulog.. tsk..cute talaga ni Yanna oh. Tignan mo panget.” Nakatulog si Yanna habang karga ni Yanskie sa kotse habang  nagddrive si Nathan.

“Panget? Tsk. Binalik mo nanaman yang tawag mo saking yan ah.. Bespren, namiss kong kuritin yang pisngi mo.. Pakurot nga.. Uhhhhmmmmm” Sabay kurot lang  sa kaliwang pisngi ni Yanskie..

“Arrraaaaay!!!!!!!tsk..saket ah..kala mu jan.”

“Saket? Yung kabila pa?”nakasmile pa talaga si Nathan.

“Subukan mo! Wag ka nga makulet, magigising si Yanna.”

“hehe, hindi yan magigising. Mantika matulog yan. Kahit sumigaw ka pa.. hehe” Si Nathan, epal talaga pinagbantaan pang pisilin yung ilong nya..Yuck, oily pa naman.. haha

“Tsk..Anu ba..nakakainis ka na.”

“Weh, pikon..”

“Che!”

“Bespren……namiss mo ko?”

“Hmmm, hindi. Hehe”

“Ang sama mo talaga. Ako namiss kita..” Di na makapag concentrate si Nathan, napapatingin kasi sa kanya habang nagddrive eh.

“Alam ko. Hehe. Sinabi sakin ni Anghel, tawag ka nga daw nang tawag para kamustahin ako…ikaw lang eh. Paalis alis ka pa.. yan tuloy na miss mo ko..”

“Hala. Sino kaya po satin ang nang away ah.. If I know nagselos ka lang kay Sam eh.. ano?”

Yanskie’s pov-waaah bat ganto yung feeling??muling ibalik ba ang title nito karu? Tsk.. nakakatense lang..feeling ko magtatapat na sya.

“Oh bat parang natahimik ka jan bespren? Hirap sayo di mo inamin na….”tinignan si Nathan ng may halong ngiti si Yanskie..parang tinatansya kung ano yung magiging reaksyon nya. Napatitig sya kasi red light eh.

“Inamin na ano ha?”

“Na ako ang bagay sayo at hindi si Maku…” waaah, after ng mahabang panahon mukhang masasabi ko na. siguro naman to na yung tamang pagkakataon… kung patatagalin ko pa to, baka may humadlang pa.. tsk

Y’s pov-Muntik na kong malunod sa sariling laway ko ah.. ambilis..tsk

“Tahimik ka nanaman? Nagbago kana ata bespren. Tahimik ka na? hehe..”

‘Kanina ka pa.. ikaw kaya kumarga dito sa anak mo para magantihan naman kita sa pagkurot mo sa pisngi ko.”

“hehe. Ayoko nga.. pag kinurot mo ko, kelangan ko pa ng yelo eh. Mamamaga kasi.. yan, malapit na tayo…Yanna, si mommy Yanskie yan..sleep ka lang.” sabay tapik lang ng marahan kay yanna kasi biglang uumingit.

“Ginising mo kasi. Magdrive ka na nga lang jan.”

“Sungit naman neto. “

Katahimikan.. ,mga 10 mins, narating na nila yung bahay nila Nathan..Pagpasok pa lang kinuha ng ate niya si Yanna, yun tulog pa rin at himbing na himbing..

Binati si Yanskie ng mga pamangkin ni nathan na dating binubully nya.. tapos nagtakbuhan sa taas na para bang nagpapahabol sa kanya… kaso nga lang, eh wala sya sa mood makipaghabulan kaya ,minabuti nyang maupo nalang sa tumba tumba ng lola ni Nathan..

“Yanskie tayo ka nga jan.”- si Nathan, matapos ihatid ang ate niya at ang mga gamit ni Yanna sa room.

“Tsk.. anu ba, kauupo ko lang eh.”bigla kasing hinila ni Nathan yung dalawang kamay niya.

“Tayo na..Bigat mu kaya.”

“hay nako naman.. sarap kaya dito. Gusto ko dito sa tumba tumba.”

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon