Chapter 11
It's been a month simula ng makilala ng anak ko ang kanilang Lolo at Lola. Sobrang nakakataba ng puso kasi tanggap nila ang anak ko. Minsan pa nga dinadala nila sa aming mansyon ang anak ko at kung minsan ay doon pa nila pinapatulog.
Tungkol naman sa paghahawak ko ng isang Restaurant sobrang nahirapan ako sa una kasi wala talaga akong alam about sa business. Mabuti nalang may tumulong sa akin upang malaman kung paano magpatakbo ng isang business.
Hanggang ngayon hindi ko pa din naipapakilala ang anak ko kay Luke. Humahanap lamang ako ng tamang oras kasi ang lalaking 'yon halos laman na ng balita dahil sa pagiging babaero pero kahit na ganun sinasabi pa din nila na may relasyon pa din sila ng Vivian na 'yon.
"Kamusta kana?" tanong sa akin ni Avery habang may ngiti sa kanyang labi.
"Okay naman, sobrang nahirapan lamang ako magpatakbo nitong business kasi wala akong alam kung paano humawak ng nesgosyo." kwento ko sa kanya at sinandal ang likod ko sa likod ng aking inuupuan.
Nandito kami ngayon sa loob ng Restaurant na pinamana aa akin ni Mom. Halos isang buwan na din 'tong Restaurant at kahit na gano'n madami pa din ang mas pinipiling kumain dito.
"Mukha ngang hindi ka nahirapan kasi tingnan mo ang dami ng customer na pumupunta dito." aniya habang nililibot ang tingin sa paligid.
"Ilang buwan na ang dinadala mo?" tanong ko kay Avery habang pinagmamasdan ko ang umbok niyang tiyan.
Sobrang laki ng tiyan niya kumpara sa natural na laki ng tiyan ng isang buntis. Don't tell me kambal ang anak nila ni Xander.
"8 months na ang kambal ko." masaya niyang bati kaya nanlaki ang mata ko kasi kambal nga ang kanyang anak.
"Wow! Ang galing naman magpa shoot ni Xander at kambal ang anak niyo." natatawa kong sabi kaya namula ang kanyang mukha.
"Hindi kasi ako nun titigilan hanggat walang kambal siyang anak." natatawa niyang sabi kaya natawa na din ako.
Nakakainggit kasi buong pamilya ang makakagisnan ng kanyang mga anak.
"Nasabi mona ba ang katotohan kay Luke?" tanong ni Avery kaya tumigil na ako sa pagtawa.
"Hindi pa, pero sasabihin ko din naman." sabi ko at hiniwa ko 'yong cake ng isang slice at kinain ko 'to.
"Ano ba ang kinatatakot mo?" nagtatakang tanong sa akin ni Avery kaya binitawan ko na 'yong tinidor sa platito.
"Baka hindi niya magawang tanggapin ang anak ko."
"Mabuting tao si Luke." wika ni Avery kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya kasi totoo naman na mabuting tao si Luke pero paano nga kung hindi niya tanggapin ang anak niya kasi mas mahal niya ang kanyang career.
"Natatakot ako.." nakayuko kong sabi ng hawaka niya ang aking kamay na nasa ibabaw ng mesa.
"Walang magandang maidudulot ang 'yong takot dapat harapin mo ng tapang si Luke para sa 'yong anak." makahulugang sabi sa akin ni Avery.
"Mahina ako pagdating sa aking anak."
"Lahat ng magulang mahina para sa kanilang mga anak. Pero may karapatan pa din si Luke na malaman ang katotohanan."
Napagisip-isip ako, sa araw ng kaarawan ng aking anak. 'Yong araw na din mismong 'yon niya makikilala ang kanyang tunay na ama. Hoping na huwag saktan ng lalaking 'yon ang damdamin ng anak ko.
"Mommy." rinig kong boses ng isang batang babae at 'yon pala ay sina Xander kasama ang kanilang anak na si Xavery.
Karga ni Xander ang kanyang anak habang papalapit sa pwesto namin at ng malapit na sa amin ay binaba na ni Xander si Xavery upang pumunta sa kanyang Mommy.
BINABASA MO ANG
The Bridge of Us (Completed)
Romance(#3) Paano kung sa mura mo pa lang na edad ay nabuntis ka na. Pero natatakot ka na sabihin sa lalaking 'yon ang katotohan dahil iniisip mo na baka hindi niya matanggap ang bata kaya naisipan mo na lang na lumayo nang hindi sinasabi ang katotohanan...