Chapter 7: Father of my daughter

32.5K 815 94
                                    

Chapter 7

Hanggang ngayon naiisip ko parin ang huling sinabi sa akin ni Luke. Damn it! Hindi talaga ako makakapayag na kuhanin niya ang anak ko. Oo! May karapatan siya sa anak namin. Pero paano kung hindi siya maging mabuting ama sa anak ko. Atsaka hindi namin siya kailangan sa buhay namin.

Kaya kong tustusan ang lahat ng pangangailangan ng anak ko dahil matagal na din akong nasanay sa kahirapan ng buhay.

Mabuti nalang nakayanan ko kasi noon lahat ng gustuhin ko makukuha ko sa isang iglap. Pero ngayon kailangan munang magsumikap para lang makuha ang isang bagay. Hindi na ang sarili ko ang inuuna ko kundi ang kapakanan na ng aking anak.

"Tulala kana naman." wika ni Alizear kasabay ng pagpikit ng mata niya at sinandal niya pa lalo ang likod siya sa sofa.

"Sorry, nagugutom lang siguro ako." dahilan ko sapagkat ayaw ko na naman siyang masaktan sa tuwing binabanggit ko si Luke.

Naikwento ko sa kanya ang nangyari noong isang linggo. Sobrang nagsisi siya sapagkat dapat daw nandun siya at kasama kami. Sana daw hindi nangyari ang bagay na yun na makilala ni Luke ang kanyang anak.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya at hinaplos ang aking buhok.

Tumitig ako sa kanya at hindi ko mapigilang mapangiti. Sobrang swerte ko talaga sa lalaking ito dahil kahit na sobrang busy siya may oras pa din siya sa amin.

Paano kaya kung si Luke ang kasama namin ngayong mag ina? Paniguradong mas lamang ang oras niya sa pambabae kaysa sa oras naming dalawa. Damn! Bakit koba naiisip na naman ang Ugly duckling na 'yon.

Ano Madison huwag mong sabihin nagugustuhan mo ang hinayupak na 'yon. No way! NEVER IN MY LIFE!!

"Kahit ano basta luto mo." nakangiti kong wika at pinisil ang tungki ng kanyang ilong.

"I love you so much!" aniya at ninakawan ako ng dampi ng halik sa labi.

"I love you more!" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

Walang dahilan para iwanan ko ang lalaking 'to para lang sa lalaking 'yon. Wala talaga kahit na may anak kami. WALA!

Habang nagluluto si Alizear binuklat ko ang album ng anak ko. Hindi ko mapigilang mapangiti kasi sobrang proud ako sa sarili ko at napalaki ko ng ayos ang anak ko.

"OH MY GHAD!!!" rinig kong sigaw ni Kate na ngayon ay kakabukas lang ng pinto ng condo habang kasunod naman nito ang anak ko.

"Anong nangyari sayo?" gulat na tanong ni Alizear kay Kate na ngayon ay namumula ang mukha.

"Kasi may nakita akong pogi sa parking lot tapos sabi niya dinner date daw kami mamaya." kinikilig niyang sabi habang may pakagat kagat pa sa labi.

Hindi ko nalang sila pinansin at nilapitan ko ang anak ko na namumungay na ang mata dahil siguro sa pagod kaya inaantok na ang anak ko.

"Kamusta ang baby ko?" tanong ko at kinalong ko siya sa lap ko.

"Okay lang po Mommy, sobrang napagod lang po kami ni Tita Kate sa pag-gagala sa Mall. Tapos po nakita ko na naman po si Kuya Luke kaso may kasama po siyang babae." malungkot na wika niya.

Napailing nalang ko sa sinabi ng anak ko. Hindi na nakakapagtaka na may kasama siyang babae. Sa susunod hindi ko na talaga hahayaan na pumunta ng mall ang anak ko kasi lungga na ata 'yon ng lalaking 'yon.

Hindi ko na tinanong pa ang anak ko sapagkat ramdam ko ang pagod niya. Inihiga ko muna siya sa aming kama at pinuntahan ko si Alizear na ngayon ay nag-aayos na sa hapag kainan.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon