Chapter 29: Dreams

25.3K 665 103
                                    

Chapter 29

Napangiti ako habang inaamoy ang mga bulaklak na nakatanim sa lugar na'to. Pinikit ko ang mata ko habang dinadama ang masarap na simoy ng hangin. Wala na akong masasabi pa kasi napakaganda ng lugar na'to.

"Mommy." rinig kong boses ng anak ko kaya mabilis ko siyang nilingon.

Sumilay ang ngiti sa labi niya habang kumakaway. Napangiti din ako habang pinagmamasdan ko ang anak ko. Nabigla ako ng bigla siyang tumakbo palayo sa akin.

"Baby! Where are you going?" tawag ko sa kanya habang hinahabol ko siya pero tinawanan niya lang ko.

"Gusto mo maglaro ng habulan, baby? Sige na ako na ang taya." muli kong sabi ng mas lalong lumakas ang tawa ng anak ko na kay sarap pakinggan.

Naghahabulan lang kami ng anak ko habang wala siyang pagod sa paglayo sa akin. Gusto kong huminto sa pagtakbo pero alam kong sobrang nage-enjoy ang anak ko.

"Huwag ka diyan pumunta at sobrang delikado!" wika ko sa kanya ng tumapak siya sa bridge na nasa harapan namin.

"Mommy habulin mo po ako." aniya at nagtatakbo na siya sa bridge samantalang namilog naman ang mata ko ng pagtapak ko ay biglang yumanig ang kinatatayuan.

"Dito nalang tayo baby, delikado talaga sa bridge." muli kong sabi sa kanya pero tinawanan niya lang ako kaya tumawa na din ako kasi ang kulit ng anak ko.

Mabagal ang takbo ng anak ko kaya mabagal na din ang takbo habang papunta na kami sa gitna ng bridge. Napahawak ako sa gilid ng pagtingin ko sa ibaba ay lawa ang nandun. Napuno ng kaba ang dibdib ko ng mawala sa paningin ko ang anak ko.

"BABY! WHERE ARE YOU?" kinakabahan kong sigaw kasi puro hamog na ang nakikita ko at hindi kona nakikita ang katapusan ng tulay.

Naramdaman kong yumayanig ang bridge na para bang may papalapit sa akin na hindi ko naman makilala dahil sa kapal ng hamog. Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang iniintay kung sino ang dadating.

Baka ang anak ko lang kaya napanagiti ako dahil gusto ko na siya mayakap at mahalikan.

Namilog ang mata ko ng makilala ko kung sino ang taong papalapit sa akin. Maging siya ay nagulat din habang palinga-linga sa paligid na para bang may hinahanap.

"L-luke!" banggit ko sa pangalan niya habang nanlalaki pa din ang kanyang mata.

"Madison!" banggit niya naman sa pangalan ko at lumapit na siya sa akin.

"Nakita mo ba ang anak natin? Tumakbo siya sa direksyon mo kaya baka nakasalubong mo?" tanong ko habang nakamasid sa likod niya habang nagbabakasakali na makita ko ang anak ko.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan. Sa direksyon mo tumakbo ang anak natin pero hindi kona siya naabutan dahil natakpan ng hamog ang dadaanan ko." aniya kaya namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Ano ang ibig mong sabihin? Kalaro mo din ang anak ko?" tanong ko sa kanya.

"Oo! Gusto niya na maghabulan kami. Pinigilan ko siya na pumunta dito pero nagpatuloy siya kaya wala na akong nagawa."

Ramdam ko na matutumba ako ng mabilis akong alalayan ni Luke habang hawak niya ang bewang ko. Hindi ako makapaniwala na nakita niya ang anak ko at kalaro niya. Ano ang ibig sabihin nito?

"Mommy, Daddy!" rinig namin ni Luke kaya mabilis namin nilingon ang anak namin na nasa dulo na ng tulay.

Kumaway siya sa amin habang tumulo naman ang luha ko. Pupuntahan ko pa sana ang anak ko ng pigilan ako ni Luke.

"Nakilala kona po siya, ang kapatid ko." wika ng anak ko ng bumubos na ang luha ko ng may maliit na bata na tumabi sa kanya na kamukhang kamukha ng anak ko.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon