Chapter 23
Hinaplos ko ang mga pangalang nakaukit sa lapida habang pinagmamasdan ko 'to. Hindi ko mapigilang mapaluha ng malaman ko ang katotohanan.
Celestina Gutierrez & Alejandro Gutierrez
"Mommy at Daddy bakit nangyari sa inyo ang bagay na 'yan?" bulong ko ng maramdaman kong umihip ang malakas na hangin na para bang kasama ko silang dalawa.
Naaksidente si Mom at Dad at nahulog ang sinasakyan nila sa isang bangin habang kasama sila kaya hindi na sila nakaligtas na dalawa. Habang ako naman ay iniwan sa kanilang kaibigan na ngayon ay magulang kona ngayon.
Noong una sobrang naghinanakit ako kasi ang alam ko ay iniwan talaga nila ako pero 'yon pala nawala sila dahil sa isang trahedya.
Hindi nila sinasadya na iwanan ako. Kung kasama nila ako ng araw na 'yon malamang wala na din ako ngayon. Kaya laking pasasalamat ni Mom na nagpresenta siya na alagaan muna ako noong araw na 'yon.
Matalik silang magkakaibigan kaya kapag nasa work sina Mom at Dad ay ipinapaalaga muna nila ako sa Mom ko ngayon. Hindi kasi sila biniyayaan ng anak kaya gusto-gusto nila akong alagaan.
Nagpapasalamat ako kasi sa kanila ako napunta. Sa magulang ko ngayon na may mabuting puso.
Matapos kong bisitahan sina Mom at Dad sa sementeryo kung nasaan sila pumunta naman ako sa Restaurant para magsimula na ulit magtrabaho. Kahit naman ako na ang may-ari nito hindi pwedeng chill lamang ako.
"Ma'am Madison meron po na naghahanap sa inyo. Nasa loob po siya ng office mo." salubong sa akin ni Manong Guard kaya kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Sino?" nagtataka kong tanomh dahil wala akong inaasahang bisita ngayon.
Si Alizear ay bumalik na sa pagtatrabaho samantalang si Avery naman ay malapit na din manganak kaya mas minabuti nalang muna niya na nasa bahay siya kasama ang asawa niya.
Mahirap na at kambal pa ang anak nilang dalawa baka mas mauna pa sa oras na lumabas ang kambal.
"Hindi po namin kilala." sabi nito kaya napataas ang isang kilay ko dahil basta nalang pinapapasok sa office ko ang taong hindi naman nila kilala.
"Manong naman! Bakit mo pinapasok ng office ko kung hindi mo naman kilala?" gigil kong sabi ng yumuko lamang siya kaya mariin akong napabuntong hininga.
"Sa susunod tatawagan niyo muna ako bago kayo magpatuloy ng bisita sa office ko. Paano kung magnanakaw pala ang pinapasok niyo." sabi ko kay Manong ng tumango naman siya kaya minabuti ko nalang tumahimik kasi ayoko na pinapagalitan ko ang mga empleyado ko kasi parang pamilya kona din sila.
Umalis na ako sa lugar na 'yon at naglakad na papunta sa office ko. Hindi ko pinansin ang secretary ko na mukhang may sasabihin sa akin dahil nilampasan ko siya.
Malay koba na magnanakaw ang taong pinapasok nila sa office ko. Mas mabuti na ang alerto para madali akong makatawag ng pulis.
"A-ano ang ginawa mo dito?" gulat kong tanong ng makita ko si Luke na pinagmamasdan ang picture ng anak ko.
Sumulyap siya sa akin at muling tumingin sa litrato ng anak ko habang marahan niya 'tong hinahaplos.
"Namimiss kona ang anak ko." mahina niyang sabi habang marahang nilapag ang picture frame ng anak ko sa lamesa ako.
"Wala dito ang anak mo." matigas kong sabi at tuluyan ng pumasok ng office ko samantalang umupo siya sa couch na nasa harapan ng mesa ko.
Umupo naman ako sa swivel chair ko habang tinitingnan ko ang mga papel na nasa harapan ko. Ang dami kona naman trabaho dahil magdadagdag na naman kami ng dishes at desserts namin kasi mas dumadami na ang tao.
BINABASA MO ANG
The Bridge of Us (Completed)
Romance(#3) Paano kung sa mura mo pa lang na edad ay nabuntis ka na. Pero natatakot ka na sabihin sa lalaking 'yon ang katotohan dahil iniisip mo na baka hindi niya matanggap ang bata kaya naisipan mo na lang na lumayo nang hindi sinasabi ang katotohanan...