Chapter 26: Dugo

25.8K 710 72
                                    

Chapter 26

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa nalaman ko. Kasalukuyang nandito si Avery sa hospital habang binibisita ang anak ko na ngayon ay nakahiga sa hospital bed habang nagpapahinga.

Hindi ako makapaniwala na mangyayari ang bagay na'to na dadating sa punto na nagkaroon ng leukemia ang anak ko. Dalawang linggo na ang lumipas ng malaman namin ang katotohanan.

Nagkaroon ng leukemia ang kapatid ni Luke kaya maaga 'tong namaalam sa kanila. Natatakot ako sa mga naiisip ko na baka mangyari din 'yon sa aking anak. Hindi ko talaga kakayanin na mawala siya sa buhay ko.

Samantalang si Luke naman ay binibisita si Vivian dahil hanggang ngayon ay malala pa din ang kalagayan niya. Sobrang nakakalungkot kasi hindi makapit ang bata sa kanyang sinapupunan kaya nakunan siya.

Ayaw pa sana umalis ni Luke dahil gusto niyang bantayan ang anak ko. Pero mismong ako na ang nagsabi na puntahan niya si Vivian kaya wala na siyang nagawa.

"Huwag kang magpa-stress ng sobra dahil makakasama 'yan sa dinadala mo." sabi ng aking OB-Gyne habang pinapakita sa akin ang machine kung saan unti-unti ng nabubuo ang anak ko.

Kasalukuyan akong nagpapatingin sa OB-Gyne ko. Ayoko na naapektuhan ang dinadala ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kaya na makita ang anak ko na nasa gano'ng kalagayan.

Sobrang nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak habang tinuturukan siya. Namana niya ang leukemia sa kapatid ni Luke. Hindi ko akalain na sa batang edad ng anak ko kailangan ng mangyari ang bagay na'to.

"Nasaan ba ang asawa mo?" tanong ng Doctor kaya natahimik ako.

"Busy siya." sagot ko nalang habang inaalala ko si Alizear.

Wala siyang malay na nandito ako ngayon habang nagbabantay siya sa anak ko. Hindi niya alam na buntis ako dahil hindi pa ako handa na malaman niya ang katotohanan. Walang pag-asa na matakasan ko 'to dahil bawat araw ay lumalaki ang tiyan ko.

Maging si Avery ay hindi pa din alam na buntis ako. Kakausapin ko nalang siya mamaya para sabihin ang katotohanan.

"Huwag mo kakalimutan ang mga bilin ko sayo." nakangiting sabi ng Doctor kaya ngumiti nalang ako at nagpasalamat habang naglalakad na ako palabas ng office niya.

Sakto naman na sa hospital kung nasaan ang anak ko ako nagpatingin. Sinigurado ko muna na walang makakakita sa akin na pumasok ako dito.

Pagbalik ko sa room kung nasaan ang anak ko unti-unti na namang nawasak ang mundo ko habang nakikita ko siyang nakahiga sa puting at kama at nakapikit ang kanyang mata.

Kanina lang ay tinurukan siya na sobrang dahilan ng pag-iyak niya. Naalala kopa nga kung gaano niya gustong umalis na sa lugar na'to kasi sinasaktan lamang siya.

Ang hirap magdahilan kung ano ang sasabihin ko kung bakit siya na dito. Ayoko na nag-iisip siya ng masama. Kaya kahit mahirap pinapakita ko sa anak ko na masaya ako.

"Mommy, magiging okay po ba si Ate Louisse?" rinig kong tanong ni Xavery habang nilalaro niya ang kamay ni Avery.

"Oo naman, magiging okay si Ate Louisse. Matapang siya katulad ng Mommy niya." nakangiting wika ni Avery kaya napangiti ako.

Silang dalawa lamang ang nandito para magbantay sa anak ko. Samantalang ang asawa naman niya ay nasa kanilang kompanya. Si Mommy at Daddy naman ay mamaya pa bibisita dito.

Sobrang iyak si Mommy ng malaman niya ang kinahitnan ng anak ko dahil sobrang bata pa daw mararanasan na niya ang bagay na 'yon. Hindi lang basta sakit ang dumapo sa anak ko. Kundi isang Leukemia na maaaring lamunin ang buong katawan niya.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon