Reyna Ng Sablay

115K 1.8K 388
                                    

Kinukuwento ni Anika kay Lexi ang panaginip niya.

“Lexi, ang gwapo niya! As in! Para siyang Greek god na bumaba sa lupa. Wala pa akong nakikitang ganoon ka-gwapo sa totoong buhay.”

“Kaya nga panaginip di ba?” Sagot ni Lexi, na may binabasa sa tablet niya. “Kasi he doesn’t exist.”

“Nandadaot ka na naman,” simangot ni Anika. “Malay mo naman… May ganoon talagang lalaki. “

“Baka it’s a sign!” Mai-excite si Lexi. Ngayon lang siya tumingin kay Anika mula sa pagbabasa sa tablet niya.

“Sign?”

“Baka kaya mo siya napanaginipan kasi may makikilala kang lalaki ngayong araw na to! Baka magkakalove life ka na, Anika!”

Kukunot ang noo ni Anika. Ano na naman natira  ni Lexi at kung anu-ano pinagsasabi? And then mapapatingin si Anika sa hawak ni Lexi na tablet…

“Kaya naman pala!” Sabi ni Anika. “Kaya naman pala ganyan ka na naman magsalita – kasi nagbabasa ka na naman niyan.”

Ituturo ni Anika ang tablet ni Lexi. Binabasa ni Lexi ang kuwento ng paborito niyang author sa wattpad.

“Lexi, tigilan mo nga kakabasa sa wattpad ng mga love stories.” Paninita ni Anika. “Waste of time lang iyan.”

“Anong waste of time. Hindi kaya.”

“Mas inuuna mo pa yan kesa sa mga lessons natin.”

“Nakakatulong to sa akin!”

“Hindi puwede ang wattpad stories sa Comparative Literature na klase natin, ano  ka ba.”

“Dun mali si Mam eh. Sana itigil na niya ang kaka-discuss tungkol sa English and American literature. Sina William Shakespeare, Ernest Hemmingway, at Robert Frost… ang boring nila! Ito na ang uso.”

Babalik si Lexi sa binabasa niya pero may maaalala.

“Friend! Bakit hindi mo subukan magsulat.” Suggest ni Lexi.

“Magsulat? Sa dami ng ginagawa ko, wala akong time diyan.”

“Wala ka naman ginagawa. Magaan ang load mo this sem, hindi ba? Kaya nga laging nagpapasama sayo si Steffi sa mga audition. Kasi alam niyang wala kang ginagawa… Try mo magsulat… para may excuse ka na hindi sumama kay Steffi.”

“Ayoko…” Iling ni Anika. “Saka kahit gustuhin ko man… wala naman akong magagamit pansulat diyan sa wattpad na yan. 

Ilalabas ni Anika ang blackberry phone niya. Magbibiro. “May wattpad ba dito?”

Hahagikhik si Lexi nang makita ang phone ni Anika.

“Akala ko ba papalitan mo na iyan? Friend, three thousand lang, may mabibili ka ng bagong phone sa Greenhills! Smart phone. May wattpad, Instagram, FB, at kung anu-ano pa.”

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon