First and Last

23K 642 106
                                    

Malayo-layo na ang biyahe nila Anika. Malayo na sila kapahamakan.

Kaya muling ginisa ng magkaibigan si Manang.

Ano ba talaga nangyayari Manang? Bakit gusto nila makuha ang tablet? Bakit tayo mapapahamak kung ibigay ang tablet?

Si Manang napakwento sa pinagmulan ng tablet.

Ang tablet ay ginawa ni Manang. Ginawa niya ito para sa kanyang kapatid na si Lucille na namatayan ng anak. At hiniwalayan ng asawa. Sa awa na mabuhay ang kapatid nya sa lungkot at pag-iisa, inimbento niya ang tablet.

Pero nalaman ni Manang na gagamitin ni Lucille ang tablet sa masama. Kaya pinamigay na lang ni Manang. Para hindi na Makita ulit ni Lucille.

Sa pag-aakalang wala na ang tablet, pumasok si Lucille sa isang software company. Doon ay ginugol niya ang oras para makagawa uli ng tablet habang nagtatrabaho.

Pero kahit anong gawin ni Lucille, hindi niya magaya ang ginawang tablet ni Manang. Pinahanap niya si Manang, pero nagtago ito. Nagpalaboy-laboy. Nagpalipat-lipat ng bahay.

Paano nalaman ni Lucille na buhay pa  ang tablet?

Napanood si Anika sa TV. Hawak ang pamilyar na tablet!

E bakit po binigay nyo po sakin ang tablet?

Dahil nakita ni Manang ang young Lucille kay Anika. At naniniwala siyang hindi nito gagamitin sa masama ang tablet. Para makasigurado, walang araw na binantayan ni Manang si Anika. Lahat ng nangyari kay Anika at Joe ay present siya.

Hindi makapaniwala si Anika. Pahabol pa ni Manang…

Nasa panganib kayo habang nasa sa iyo ang tablet! Kaya kailangan na nating masira ang ito!

“Pero manang…kapag nasira ang tablet. Mawawala si Joe?” alala ni Lexi.

“Wala tayong magagawa…yun na lang ang paraan para hindi magtagumpay si Lucille!” sagot ni Manang. Para sa kanya, ayaw man niyang sirain ang tablet… Pero ito ang nararapat.

Kilala niya si Lucille, hindi ito titigil na hanapin si Anika para makuha ang tablet.

Si Anika, pilit nakikiusap kay Manang. “Wala po ba talagang ibang paraan? Para hindi mawala si Joe kahit sirain natin ang tablet?”

“Wala!”

“Manang sure ka na?” sabi ni Lexi. “Wala nang tawad?”

Sa totoo may isa pang paraan… pero hindi sigurado si Manang.

“Puwede nating idelete ang profile ni Joe sa tablet… Pero may consequence. Hindi mo na siya mako-control. At may possibilidad na babalik siya sa dati niyang setting… Yung bago mo pa siya na-program.”

Pero ano man ang consequences… Para kay Anika, ang mahalaga hindi mawala si Joe. Handa siya.

“Sige, susubukan ko…pero kailangan ko ng maraming computer!” request ni Manang. Demanding ang lola.

Saan sila maghahagilap ng mga yon?

“Samin!” sagot ni Melvin ang mga kailangan. Sa rest house nila sa isang private island. Safe sila doon. Habang inaayos ni Manang ang lahat. Walang makakaalaam kay Joe.

Narealize nina Anika at Lexi. Nalaman na ni Melvin ang secret about Joe. Nakikinig pala kanina pa. Ang tsismoso lang?

Sa haba ng byahe, biglang humina ang andar nila Melvin. Hanggang sa tuluyang nag-stop.

“Bad trip! Hindi ko napansin – wala na pala akong gasolina!” Problemado si Melvin.

Pero biglang may solusyon agad…

“Ako bahala!” volunteer ng fully-charged ng si Joe!

Kaya naman si Joe. Sinimulang magtulak. Siya lang mag-isa.

Pushhhh! Ang lakas ni Joe! Sobrang amazing!

Tumakbo ang sasakyan. Sobrang bilis. Pang Guinness world record na naman!

***
Sa daan ay may nakasalubong sila. Isang nasiraang wedding car. Huminto sa pagtulak si Joe.

Kinumusta ang problemadong driver. “Nasiraan kami ng makina. Mali-late na ang bride sa kasal!”

Kaya naman ang buong Team JoeNika, to the rescue. Isinakay ang bride sa sasakyan ni Melvin. Hinatid nila ito sa simbahan.

“Maraming salamat sa inyo…” thankful ang bride. “Pero hindi nyo naman kailangan iwan yung isa para magkasya tayo...”

Clueless ang bride na hindi naman naiwan si Joe. Nasa likod ito, nagtutulak pa din.

Hanggang finally, nakarating sila sa venue. Umabot sila sa oras!

Ang kasalan ay dinaos sa isang napakalaki pero lumang simbahan. Tinayo noong panahon  pa ng mga Espanyol. Ang ganda ng design mapa-loob …mapa-labas.

Maya-maya pa…

DING DONG! DING DONG!

Tunog ng kampana. Hudyat na simula na ang kasal.

Hindi agad nakaalis sila Anika. Naging instant guest sila. Napanood nila ang buong kasalan.

Lahat nag-iiyakan sa tuwa. Lahat apektado. Especially si Anika, sa imagination nya…

Parang sila ni Joe ang kinakasal.  Siya ang beautiful bride. Si Joe ang kanyang handsome groom. 

Sa harap ng Maykapal…sumumpa si Anika.

From this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, to love, honour, and cherish, 'til death do us part…

Biglang hinawakan ni Joe ang kamay ni Anika. Mahigpit.

Parang nakikita rin nito ang nasa isip niya. Parang naririnig din nito ang sigaw ng puso niya. Parang sumusumpa din ito sa harap ng altar.

“Anika…” bulong ni Joe. “I don’t want to leave you. I don’t want to break your heart…. But if one day, you wake up and I am no longer by your side… always remember, I will love you forever…”

Nagulat si Anika sa ginawa ni Joe -- Hinalikan siya sa labi. Napapikit si Anika. Ito pala ang pakiramdam ng first kiss. Parang nasa ere siya. Parang nahihilo siya. Parang bibigay ang mga tuhod niya. 

At biglang natakot si Anika... First kiss niya... Magiging last na rin ba? Muling tumulo ang luha ni Anika. Tears of joy? Tears of sadness? Dahil alam ni Anika... nalalapit na talaga ang paghihiwalay nila ni Joe. 


MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon