Heartbeat

42.8K 1K 432
                                    

Tatlong oras na hinahanap ni Joe si Anika. Sa kahahanap, napadpad siya sa auditorium. Kung saan nangyayari ang final rehearsal para sa Search for Mr. & Ms. Body.

Nagtanong si Joe sa isang natatarantang staff.

“Hey, Nakita mo ba si Anika?”

“Sinong Anika?” natulala sa kanya ang staff.

“Si Beautiful!”

“Ay wala akong kilalang beautiful dito, maliban sakin!” umarte ang staff. Sabay kindat pa kay Joe.

Biglang lapit ng Casting Director. Pinagalitan ang ambisyosang staff.

“Puro ka dyan kwento! Asan na ba ang isa pang model ko!” sigaw ng Director.

“Sorry po kasi…”

At saka napansin ng Director si Joe. Biglang na-drawn din. Tinignan nya mula ulo hanggang paa si Joe. May malisya. May pagnanasa.

“Perfect! Siya ba ang kapalit!?”

“Ay!” biglang naisip ng staff. “Opo! Opo! Siya po!”

Pero dedma si Joe. Aalis na sana. Pero biglang pigil ng staff kay Joe, “Sandali… Hinanahap mo si Nica, di ba?”

“Anika,” pag-correct ni Joe.
“Anika! May kinuha lang si Anika, babalik yon…for now sila ka muna sa rehearsal.”

Naniwala agad si Joe. Inakalang kilala ng staff si Anika.

***

Pagpunta niya sa backstage, nakita sya ni Steffi. Biglang naalala ni Steffi ang huling kita niya kay Joe. Ang mga kabaliwan nito. At ang pagkahimatay nito.

Yak! Anong ginagawa ng adik na to dito?

Nginitian siya ni Joe. Lalapit sana. Pero biglang layo si Steffi.  Napaka-arte!

 “O mamaya na yang mga kaartehan nyo! Maghubad na! Stand by na sabi ni Direk” utos ng staff.

Dahil napansin ng staff na hindi alam ni Joe ang gagawin. Agad nag-volunteer.

“Hubaran na kita,  Kuya” akmang huhubaran si Joe.

Pero si Joe may sariling kusa. Siya na ang nagbuhad ng shirt nya.

“Sayang naman, chance ko na yun e!” panghihinayang ng staff.

Sa pag-topless ni Joe. Napatingin ang lahat. Lalo na si Steffi.

Kita nila ang mga matitigas na abs ni Joe.

Sabay-sabay silang nagbilang.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Anim lahat-lahat!

Lahat matigas. Buhay na buhay. Napalunok ang staff. Parang biglang nagutom.

Si Steffi, parang nagka-amnesia. Nalimutan ang lahat ng kabaliwan ni Joe. Siya ngayon ang nabaliw. Para sa kanya…

Ang hot nya pala!

***

Nag-init na ang lahat. Nagsimula na ang rehearsal. Rampahan isa-isa.

Kanya kanyang kembot. Kanya-kanyang flex ng katawan. Kanya-kanyang pose. Kanya-kanyang pagmamaganda on stage.

Lalo na si Steffi na sanay na sanay sa pagmamaganda. Todo hataw. Inangkin niya ang buong stage. Pa-star! Pabida!

Nang matapos rumampa, balik siya sa backstage. Kung saan next in line si Joe. Nilapitan siya ni Joe. Akala niya nagandahan sa kanya. May tinanong…

“Asan si Anika?”

“Hindi ako hanapan ng nawawalang Ate!” inis ni Steffi. Sinubukan mag-English. “Aym not may sister’s keeper!”

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon