Ang Pagbabalik ni Manang

23K 518 44
                                    

Naging headiline ang nangyaring hostage drama. Sa mga newspapers, social networking sites at news program. Magandang mukha ni Anika ang nakabalandra!

Instant celebrity si Anika. Bagong bayani dahil sa pag-save kay Steffi. Halos purihin siya ng lahat.

Habang si Anika halos mag-aalala naman sa nangyari kay Joe.

“Akala ko talaga dati, magiging maayos na sya.” kausap ni Anika si Lexi. “Pero bakit parang lalong bumalik ang pagiging robot niya?”

“Kasi nga robot naman talaga siya.” sabi ni Lexi. “Sandali nga friend, umaasa ka na maging ganap na tao si Joe?”

Hindi sumagot si Anika. Pero sa utak niya...

Oo! Sana may paraan na maging tao si Joe. Para hindi na ito nalolowbatt. Para hindi na ito na hihirapan. Para magsama na sila forever!

At para maayos uli ang tablet at si Joe, kusang bumisita si Manang. Napanood nito ang balita.

Nang makita ang sitwasyon ni Joe, walang sinayang na oras. Kinalikot si Joe at ang tablet.

Praying si Anika, “Sana wala namang mangyaring masama uli kay Joe.”

Hanggang may mangyari sa loob ng bahay. Dinig nila ang sigaw ni Steffi.

Ateeeee!

Hawak ni Steffi ang tablet. Tinatarayan si Manang. “Sino ka ba talaga? Magnanakaw ka no!”

“Hindi siya magnanakaw!” tanggol ni Lexi. “Steffi, pati ba naman pobreng matanda, binabastos mo!?”

“Hindi ko siya binabastos!” depensa ni Steffi. “Naabutan ko siya! Gusto nyang basagin tong tablet ni Ate Anika!”

Biglang tago ni Manang ng martilyo sa likod niya. Magdududa sila Anika at Lexi kay Manang.

Bakit naman sisirain ni Manang ang tablet? Anong binabalak nito?

***
Balak talaga ni Manang sirain ang tablet. Hindi makapaniwala sina Anika at Lexi habang nasa school na sila. Naayos na si Joe.

“Buti na lang pala nakita ni Steffi. Muntikan na si Joe kay Manang!” Sabi ni Lexi.

Pero si Anika, naguguluhan sa matalinghagang rason ni Manang….

Kapag hindi nasira ang tablet. Mapapahamak ka! Mapapahamak ang lahat!

“Bakit niya pa binigay kung mapapahamak ka naman pala?” duda si Lexi, magbibiro “Di kaya kinukuha nya ang tablet, dahil gusto niya rin maging dyowa si Joe?”

Seryoso lang si Anika, naisip niya “Sana hinayaan pala muna natin siya magpaliwanag”

Kaya nagpasya ang dalawa na hanapin si Manang. Upang linawin ang mga bagay-bagay.

Pero hindi pa man sila nagsisimulang maghanap, kusang dumating uli si Manang! Alam kung saan sila pumapasok? Hingal na hingal ito.

“Anika! Ibalik mo na sakin ang tablet! Bilisan mo!” panic si Manang.

“Manang! Ano ba talagang nangyayari?”  confused si Anika.

“Basta ibigay mo na lang! Bago pa sila dumating!”

“Sinong sila?” tanong ni Lexi.

“Sila!” sabay turo ni Manang sa mga dumadating na mga men in black. Mga naka-shades. Mga malalaking tao.

Agad silang nilapitan ng mga ito.  Nilapitan si Anika. Takot na takot sina Manang at Lexi.

“Amin na ang tablet! Para wala ng mapahamak sa inyo…” sabi ng head ng men-in-black.

Naguluhan lalo si Anika…

Sino ba kasi ang mga ito? Bakit kinukuha ang tablet? Bakit takot na takot sa kanila si Manang?

Sabay sigaw ni Manang, “Wag mong ibibigay sa kanila! Wag mong…” biglang tinakpan ang bunganga ni Manang ng isang lalaki.

Kumakawala si Manang. Sasawayin sana ni Anika at Lexi ang lalaki. Pero pati sila sinunggaban ng mga kasama nito.

Teka! Ano bang mga problema nyo!??

Si Joe, naisip na nasa panganib sina Anika. Kaya nilabanan ang mga men-in-black. One is to eight. Mas marami sa mga nakalaban niya sa Valentine’s Party.

Wala pang isang minuto. Napagbasak ni Joe ang lahat. Maliban sa pinaka-head. Nabaril nito si Joe.

Shooooo!

Hindi bala ang tumama. Kundi’y puro tubig! Binasa si Joe!

Kaya si Joe, muling nangisay. Gaya nang nangyari kahapon. Parang nakukuryente.

Joeeee!

Maya-maya pa, biglang nalowbat.  Nanghina si Joe. Sapilitang kukunin ng lalaki ang tablet kay Anika.

Buti na lang, to the rescue sina Steffi at Melvin. Kasama ang mga barkada. Pinagtulungan ang lalaki. Bugbog sarado sa kanila! Nabawi nila ang tablet.

“Ate bilis sumakay na tayo,” yaya ni Steffi.

Sakay ng SUV ni Melvin. Tumakas silang lahat.

Si Melvin ang nagmamaneho, katabi niya sa passenger seat si Steffi. Sa likod, magkakasama sina Anika, Melvin, Lexi at Manang.

“Salamat, Steffi, ha…” Grateful si Anika.

“Ano ka ba, ate. Siyempre… kapatid kita.”

Grateful si Anika. Nagbago na si Steffi. Pero sabi nila, ang buhay, laging may balanse. Dati, masaya si Anika sa lovelife niya. Pero lagi silang nag-aaway ni Steffi. Ngayon okay na sila ni Steffi… ibig sabihin ba nito, mawawala na sa kanya si Joe?

Anika looks at Joe, nanghihina. And then she remembers the men in black na humahabol sa kanila.

Ano ba nangyayari? Litong-lito na si Anika. Ano ba tung pinasok niya? Anong panganib ba ang dala ni Joe at ng tablet?

Anika leans her head sa shoulder ni Joe as she wraps her arm around him. “Huwag mo akong iwan, Joe…” Bulong ni Anika kay Joe. “Please, huwag mo akong iwan…”

Hindi na napansin ni Anika, lumuluha na siya. At hindi nya nakita… walang nakakita… kahit lowbatt si Joe.. lumuluha din siya.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon