Heaven

21.9K 678 147
                                    

Nagising si Anika sa sikat ng araw. Hindi niya na katabi si Joe. Bigla siyang kinabahan…

Joe? Nasan si Joe?

Tarantang hinanap niya agad si Joe. Sa paghahanap niya, natagpuan niya itong kasama nila Lexi.

Akala ko nawala na siya…

 Nakahinga nang maluwag si Anika. Habang si Lexi hindi humihinga habang tinatalakan si Melvin. Like a boss, “Nung una ang SUV…ngayon pati yate? Lahat nagkaka-aberya? Lahat na lang Melvin?”

Nakadaong ang yate. Napadpad sila sa isang bayan.

Nang marinig ni Anika ang malaking problema, agad syang nag-aalala.

Hala! Paano na maaayos ni Manang ang tablet?

“May nahanap kaming computer shop na malapit.” sagot ni Melvin “Rerentahan ko. Doon na lang muna gagawin ni Manang ang pag-ayos ng tablet.”

 “Ay sosyal! O sige habang inaayos ni Manang ang tablet, pwede tayo mamasyal friend!” suggest ni Lexi. Agad nagbago ang mood. Bipolar lang?

“Hindi tayo nandito para mamasyal Lexi! Nandito tayo para ayusin ang tablet” seryoso si Anika. “At hindi ko pwedeng  iwan si Joe!”

“Ay! Sobrang clingy?” biro ni Lexi. Pero si Anika, mukhang seryoso talaga.

 “Why so serious? Relaks ka nga lang friend!” payo ni Lexi.

“E kasi…”

“Friend, maaayos naman ang lahat. Kaya sige na please mamasyal na tayo…” todo yaya si Lexi kay Anika.

 Pero si Anika, ang daming dahilan…ang daming kinakatakutan.

“Tapos paano pa kung mahanap tayo noong mga men in black? Yung mga tauhan ni Lucille?”

“Hindi naman tayo agad mahahanap ng mga yon…” sumabat na si Manang, “Sige na mamasyal muna kayo. Ako na bahala.”

“Pero Manang, paano nyo maaayos ang tablet at si Joe kung mamamasyal kami?”

Walang kaso yon. Ang kailangan lang ni Manang ay ang tablet. Sinigurado nya si Anika na habang kinakalikot niya ang tablet. Walang mangyayari kay Joe. Sinigurado niya na wala siyang ibang gagawin sa tablet.

Weehhh?

Duda face pa rin si Anika. 

Hanggang pinilit na si Anika ng lahat. Halos pagtulungan na si Anika. Kulang na lang i-bully.

“Friend, sige na!”

“Ate, mamasyal na kayo ni Joe!”

“Go out and have fun, Anika…”

Pero papilit talaga si Anika.

“Ayokooooo!”  

Biglang lapit si Joe, inabot ang kamay at nagyaya, “Tara Anika…”

“Okay.” Biglang payag agad si Anika.  Ang arte lang?

***

Namasyal sina Anika sa mismong bayan. Kasama niya si Joe at ang third wheel na si Lexi.

Naiwan sina Steffi, Melvin at Manang. Inasikaso ang pagrenta sa computer shop.

Sa paglalakad-lakad nila, unang napansin agad ni Lexi ang mga nakasabit na banderitas. Iba-ibang kulay. Mukhang piyesta sa bayan!

Pangalawa niyang napansin, ang mukha ni Anika. Worried pa din.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon