[1]

42 1 0
                                    


NOELLIE


"Good Morning, wako!" isang nakakasulasok na ngiti ang iginawad niya pagkakita sa'kin.



Sa dami ng pwede kong makasalubong dito sa corridor, bakit ito pang asungot na 'to?


Inirapan ko na lamang siya at patuloy na naglakad. "Tss, sungit" at kahit bulong yun, narinig ko yun no! Dire-diretso akong pumasok ng room at iniwan doon si Ethan at mga alagad niya.


"Good Morning, wako!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko yun mula kay Sabina, ang best friend ko. Pati ba naman siya? "Joke joke!" Dire-diretso akong umupo sa tabi niya.


"Please, wag ako" bulong ko.


She probably noticed my soft voice kaya sumandal nalang siya at yumuko.


"Sorry na ellie, nagtataka lang kasi ako kung bakit hanggang ngayon di ka pa rin sanay na ganon yung tawag ni Ethan."


"I don't know. Ellie is fine, but what's with wako ba? Bakit yun yung kailangang itawag pa sa'kin!" medyo napalakas kong sabi kaya napatingin yung iba naming classmate.


"Then, why don't you ask him?" She said it like it's the most obvious thing in the world.


Di ko namalayan na saglit akong natulala sa kanya. "Uh, no thanks."


I can see her smirk from here. "Awww, bakit? Natatakot ka sa magiging response nya?"


What? She's definitely out of her mind but .. she's not wrong. Tinanong ko naman siya kung ano yun, pero hindi niya naman ako sinagot.


"First of all, pang aasar niya lang yun. Maybe it is some kind of unpleasant word from some country!" depansa ko. "At ayoko nga kausapin yun, isa siyang asungot na kailangan kong iwasan."


Tumawa ng malakas si Sabina sa sinabi ko.


"What? Is he some kind of a germ to you?" Oo, sabina. Isang malaking OO! "Hey, your face kinda resembles a tomato." Sabi niya nang mahimasmasan.


"A what?"


"Pulang pula na mukha mo, o ang puso mo baka ma-highblood ka" at tumawa pa siya ng malakas.


Saktong pumasok si Ethan kasama ang dalawa niyang kaibigan at sa lakas ng tawa ni Sabina, kuha niya agad ang atensyon ng tatlo. Nakakahiya talaga!


"Sabi nila pag tawa ng tawa, gusto nang mag asawa" bulong ko kay Sabina in hopes of stopping her from laughing.


Dumiretso na si Ethan sa kanyang upuan ..... which is sa likod ko.


She stopped laughing but ... "Ako? Mag aasawa?" sabay turo niya sa sarili niya. "Baka ikaw?" at tumingin siya sa likod ko. "How about you Ethan, do you want to get married?"


And since nakatalikod ako sa kanya, I wasn't able to see what his reaction is kasi hindi niya naman sinagot si Sabina. But from my peripheral view, she nodded and tilted her head as if she's thinking.


And after several seconds, mas nilapit ni Sabina ang upuan niya para bumulong sakin.


"Girl, pogi naman si Ethan di ba?"


Pogi? Seryoso ba siya?


"Where in the world did that come from?" bulong ko pabalik.


"What?" Pa-inosenteng tanong niya.


"Don't ever use 'his name' and 'pogi' in a sentence, okay?" inis kong sabi.


Ibinalik na niya ang upuan niya sa dating pwesto ngunit may pahabol na paalala.


"Sabi nga nila, 'wag kang magsasalita ng tapos" at may gana pa talaga siyang kumindat sa'kin! Kung hindi lang pumasok yung prof namin, baka nakatikim na siya ng isang kurot.

WakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon