[4]

13 1 0
                                    

NOELLIE 


"Ito na yung consent para sa annual team building," our homeroom teacher passed the consents. "And I know how much you hate it pero 'wag niyo pa ring kalimutang magreview para sa upcoming 3rd Quarter exam next week, ha"


"Kailan po labas ng result?" tanong ng isa kong kaklase.


"Hmm, siguro by friday? I'll announce sa team building para masaya!" as if! Another second place for me again. "Monday to Wednesday ay exam natin. Thursday, no classes para makapaghanda sa Friday to Saturday na team building natin."


Should I go? Kaso pwede kong gamitin yung araw na yun para mag-review for the 4th Quarter lessons. 


"This is our last year na magkasama, you should come Ellie" sabi ni Sabina na parang nababasa ang takbo ng isip ko.


"Tita, ito po yung consent para sa team building." sabay abot ko sa kanya ng papel.


"Eh, pupunta ka ba?" inabot niya pa ang salamin para mabasa ang nakasulat doon.


"Baka po," hindi ko rin alam tita.


"Basta sabihin mo 'to sa mama mo" sus, alam ko naman pong mas una ka pa pong magbabalita nito kay mama.


Nginitian ko nalang siya bago umakyat sa kwarto ko. 


I spent my whole weekend, studying because I shouldn't waste any time.


"I'm not pressuring you anak," tumawag si mama about sa deal ng kumpanya nila.


"I know ma," but it would still be great to have a free education. Ngumiti nalang ako sa kanya.


Pumasok ako ng maaga para makapag-review pa ako kahit saglit bago magsimula ang exam.


"Good Morning, wako!" isang nakakasulasok na ngiti ang iginawad niya pagkakita sa'kin.


Sa dami ng pwede kong makasalubong dito sa corridor, bakit ito pang asungot na 'to?


Inirapan ko na lamang siya at patuloy na naglakad. "Tss, sungit" at kahit bulong yun, narinig ko yun no! Dire-diretso akong pumasok ng room at iniwan doon si Ethan at mga alagad niya.


"Good Morning, wako!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko yun mula kay Sabina, ang best friend ko. Pati ba naman siya? "Joke joke!" Dire-diretso akong umupo sa tabi niya.


"Please, wag ako" bulong ko.


She probably noticed my soft voice kaya sumandal nalang siya at yumuko.


"Sorry na ellie, nagtataka lang kasi ako kung bakit hanggang ngayon di ka pa rin sanay na ganon yung tawag ni Ethan."

WakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon