NOELLIE
"Wako?" bulong ko at tumingin sa kanya para humingi ng sagot pero tinawag na kami sa harapan para sa explanation.
Nagkatinginan muna kaming dalawa bago kami nagsimula. "Good Morning" masiglang bati ni Ethan.
Iniharap ni Ethan sa klase ang gawa namin bago siya kumindat sa gawi ko. yuck.
Lahat ay nagandahan sa iginuhit namin, at habang busy sila sa pagtingin ay nagsimula na akong magsalita.
"I really had a rough time finding what to draw that relates to life" pag aamin ko. "But in science, the heart is the one who's responsible for pumping the blood to our entire system. Kung wala ang heart, hindi mabibigyan ng oxygen and nutrients ang katawan, right? The heart is the one who also regulates our temperature, pH, and marami pa. So life? Naisip ko ang heart."
Nakangiti lang si Ethan sa'kin nung tumingin ako sa gawi niya.
Itinaas niya ang papel na hawak bago nagsimula. "But, life isn't just about science." Itinuro niya ang mga flowers. "We also drew flowers on it." We? He drew it by himself. "The heart itself, kulang yun. The growing flowers symbolize the love and compassion that we need in order to say that 'we had a good life'."
"Ano yung nasa gilid?" turo ng kaklase namin.
"Ahhhh, wako" ngumuso si Ethan patungo sa'kin. "Siya si wako"
"Ano yun?" tanong ng isa ko pang kaklase.
"Sikretong malupet" sabay tawa niya ng malakas.
Ever since that day, THAT VERY DAY, he started calling me wako.
At hindi lang yun, he became my opponent pagdating sa academics.
"So far, 47 out of 50 ang highest natin!" inabot ng prof namin sa chemistry ang papel. "As expected, Miss Cruz."
I thanked her from my seat and reached out to get my paper.
"Buti ka pa," bulong ni Sabina. "I only got 35!" ngumiti ako sa kanya.
"Oh, look what we have here!" ipinakita niya sa klase ang isang papel. "A perfect score from Mr. Ocampo!"
What?
Hindi ko magawang lumingon sa likod dahil sa inis. Everyone congratulated Ethan. Nakatitig lang ako sa papel ko habang naririnig kong pinasasalamatan niya ang lahat.
"Hey," kalabit niya sa likod ko pagkakuha niya sa papel niya. "Congrats!" bulong niya pero hindi ko yun pinansin.
Nang makaalis na yung prof namin, dali-dali akong tumayo para lumabas. Hinabol ako ni Sabina at sinabayan sa paglalakad.
"I didn't expect Ethan to be genius," sabi niya. "Looks like you have an opponent."
"He can't be the valedictorian," bulong ko. He just can't. "You know how badly I need this!" hindi ko alam pero parang naiiyak na ako ngayon. Hindi pwede! This is all I have, this is what I need!
"Hey, relax! Siguro naka-chamba lang siya dun sa exam!" pag-iiba ng usapan ni Sabina.
Pero hindi siya naka-chamba lang. Matalino talaga si Ethan! Pagdating sa exams, it's either he's perfect or hindi bababa sa 90% ang score niya. And because he has an outgoing personality, he has lots of extracurricular activities too!
"Naka-post na raw yung honor list sa may tapat ng guidance!" narinig kong chika ng kaklase ko.
Nagkatinginan pa kami ni Sabina nang marinig namin yun. Mabilis naming tinungo ang daan patungo sa guidance office para makita ang honor list.
BINABASA MO ANG
Wako
Short StoryMatapos ang ilang minuto ay ibinigay niya sa'kin ang papel habang naka-ngiti na abot langit. Wow, this guy can draw. My eyes lingered to the flowers he drew on the heart's arteries, I didn't notice .... my fingers were also tracing them. I was so...