NOELLIE
Bagong taon...
...and it means new beginnings...
...pero bakit tila hindi naman yung ang aking nararamdaman ngayon?
Bakit hindi pa rin mawala sa isip ko yung gabing binuksan ko ang regalo niya sa'kin?
Habang naglalakad ako patungo sa'king unang klase, palakas din ng palakas ang kabog ng dibdib ko.
Parang isang nakikipaglaban na tambol ang puso ko ngayon sa kaba nang makita ko sa 'di kalayuan si Ethan.
Automatic na napaatras ang mga paa ko nang mamataan siya na nakatambay sa labas ng room.
Bakit nga ba ako nagpapaapekto?
Hindi ko maiwasang matitigan si Ethan. Parang wala namang pinagbago sa kanya, the same old cheerful Ethan. The way how his laugh echoes from here made the drums inside my heart beat louder as I stare at him.
But you shouldn't let this affect yourself, Noellie. This is nothing, right? Yeah, this is definitely nothing...
Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang dibdib ko bago ipinagpatuloy ang paglakad papunta sa room.
Natigil ang kanilang tawanan nang makita nila ako.
Hindi rin nakawala sa paningin ko ang pagsiko ng kaibigan nito sa kanya.
"Good morning wako!" .....nope, hindi si Ethan ang nagsabi nun.
Binigyan ko ng isang ngiti ang kaibigan niya ...na ikinagulat nila.
"Morning, Noellie" sabi ni Ethan na mas ikinagulat nila.
Tumango ako bilang pagtanggap sa bati niya at dumiretso na sa classroom.
"A-ano yun pre?" Rinig ko sa labas. "Asan yung wako?"
"May announcement daw sa'tin," sabi ng presidente namin. "Kaya wag na raw muna kayo umuwi."
Dumaan ang buwan ng marso, at sa nakalipas na mga buwan napansin ko na lumamig na ang pakikitungo ni Ethan sa akin..
"Noellie," tawag niya sa'kin."Yung ballpen mo, nahulog."
Inabot niya ang ballpen ko mula sa naka-abang kong kamay. "Thanks," bulong ko at binigyan siya ng ngiti.
Oo, ganito nalang kami. Mula rin noong magsimula ang taong ito, hindi na niya ako iinasar, which kind of disturbed me.
BINABASA MO ANG
Wako
Short StoryMatapos ang ilang minuto ay ibinigay niya sa'kin ang papel habang naka-ngiti na abot langit. Wow, this guy can draw. My eyes lingered to the flowers he drew on the heart's arteries, I didn't notice .... my fingers were also tracing them. I was so...