XVI. El Filibusterismo 1.3

28 3 0
                                    

February 05, 2019

Pamagat na Noli Me Tangere sa unang libro
Ngayon ay naging El Filibusterismo
Jose Rizal na isang bayaning nagsakripisyo
Ito nga ba ang kailangan ng mga Pilipino para magbago?

Ang makatang si Ibarra sa Noli
Naging magaalahas na Simoun sa El Fili
Dati'y walang magawa at nagpapasakal
Ngayo'y maghihimagsik para sa mga taong kanyang minamahal

Binatang si Basilio na nagpaalila ng ilang taon
At si Juli na sinasakal pa rin hanggang ngayon
Pag-ibig nga ba ang kanilangan kailangan?
Para manalo sa laban ng ating bayan?

Ultimo langit at lupa sa Bapor Tabo
Walang magawa ang iba kaya sa loob lang nagsasaklolo
Dahil sa taas ay ang mga mararangyang walang modo
At sa ibaba naman ay mga nagpapaalilang Pilipino

Sabi nila'y mga kabataan ang kailangan
Ngunit nang mayroon na ay bakit pinagkasiyahan?
Ganito na nga ba ang mga Pilipino? Mas masahol pa sa mga kastilang sinasakal tayo

Isagani na nagmahal lamang kay Paulita
Pero bakit inahas ni Juanito at nagpapakasaya
Nakulong lamang si Isagani na iyong minamahal
Gomez? Bakit tumigil ka na sa pagdarasal?

Love, No One

Love, No OneWhere stories live. Discover now