XIII. El Filibusterismo 1.0

35 6 0
                                    

February 05, 2019


Ikaw ba ay nasaan?
Tanong ng mga taong gustong makamit ang kalayaan
At nang sa wakas ay sumulpot ang mga kabataan
Bakit ang mga plano nila'y pinagtawanan?

Mga kabanata sa El Filibusterismo
Halos mga tao'y walang magandang pakikitungo
Unang libro nito'y puro pagmamahalan
Ngayon naman ay uhaw sa himagsikan

Mga kabataan, gusto nilang makalaya
Mga kastila, sila ang nagpapakasaya
Lahat inaapi sa utos ng taas
Ginagawa lahat para hindi makatikim ng dahas

Nang dahil sa mga kastila
Maraming taong naalila
Ang akalang namatay na si Ibarra
Ay si simoun na nagbalik at hinahanap si Maria Clara

Diskriminasyon ang nanatili sa huli
Sa una pa lang ng libro'y hindi nagwawagi
Mga tao'y namulat at nagising
Sa katotohanang ang mga kastila ang sumisiil satin

Si Juli na ang hangad lang ay maging matiwasay
Sa mundong ibabaw na puro pilipino ang pinapatay
At si Basilio na anak daw ng isang may sira sa ulo
Walang pakielam basta ang gusto'y magamot ang kanyang kapwa tao

Love, No One

Love, No OneWhere stories live. Discover now