February 05, 2019
Bakit ang mga tao'y naniniwala sa mga sabi sabi ng kapit bahay?
Masasakit na salita na wari bay sugat na galing sa mga latay
Isipin nyo naman na ang pinaguusapan nyo ay walang kamalay malay
Na pinaguusapan na pala sya ng chismosang walang magawa sa buhayMga prayle na hindi man lang iniisip ang iba
Sinasaktan pa ang ibang tao na walang magawa
Ang iba pa naman ay iniidolo kayo
Pero akala ko ba kayo ang mabubuting tao?Isang Pilipinong gustong maging kastila
Nangangamoy ang baho mo na para bang malansang isda
Dinidismaya mo ang ibang mga Pilipino
Donya Victorina, ano naman ang mapapala mo?Mga gurong ayaw na mataasan
Sa teritoryo nilang ang ngalan ay eskwelahan
Mga estudyante'y laging nagrereklamo
Dahil hindi na tama ang pagtuturo ditoAsan na nga ba ang kalayaan?
Bakit hindi pinapansin ang may mga paninindigan?
Tunay nga ba na akademya ang kailangan?
Sa bayang Pilipinas na hangad lamang ay katiwasayan?Love, No One
YOU ARE READING
Love, No One
PoetryA compilation of poems for everyone written by no one. [Book One: Love, No One (On-going)]