VI. Natalia 1.1

24 4 0
                                    

January 02, 2019


Tatlong taon ang nakakaraan
Isang gabing maulan
Ako'y papauwi galing sa eskwelahan
Ngunit natigil sa paglingon sa aking likuran

Isang lalaking naglalakad at ako'y pinagmamasdan
Tatakbo na sana'y ngunit nahuli ang kamay
Walang magawa at nahila na sa kung saan
Ngunit nagulat ako'y dumating ang aking kaibigan

Nailayo nga ako ngunit sya'y nahuli
Pinagsasapak nya kaya't ang lalaki'y nagalit
Isang kutsilyo'y nilabas at pinagsasaksak.
Hindi alam ang gagawin kaya't tumakbo na lamang

Hanggang ngayo'y binabangungot
Nang trahedyang hindi ko malimot
Konsensya o kaluluwa, hindi ko alam kung ano doon
"Natalia, aking kaibigan. Sana'y patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko"

Love, No One

Love, No OneWhere stories live. Discover now