♡Chapter 23♡

64 21 0
                                    

Cedrick POV
Nakakahiya!Nakakainis!Feeling ko napakamali ng timing ng pag-amin ko!Isa pa,ang pangit ng lugar kung sa'n ako napaamin,sa kotse!Pwede pa sana kung dito sa beach eh.Haaayst mali mali!

Anyway nandito kami sa may veranda ng kwarto ni Kisha dito sa hotel kung sa'n kami nakacheck in.Yes tama kayo ng basa, andito kami.Mas maganda kasi ang view dito sa kwarto niya kesa dun sa'kin.Mas tanaw dito yung dagat.

Magkatapat kasi kami ng room,ako ang pumili,alam ng mga kaibigan niya at ng mommy ni Kathy na dito muna kami mag-stay.

Una kinabahan ako kasi baka di pumayag pero dahil pogi ako este mabait at mapagkakatiwalaan naman ako ayos lang naman sa kanila.Sinabi ko na din kanina kay Kisha yung tungkol don.

"A-ano ang ganda ng view noh?" Pagbabasag ko sa katahimikan.Ang awkward,nagkakailangan na tuloy kami.

Napalingon naman siya sa'kin saka pilit na ngumiti.

"O-oo so-sobra."

"Lumalamig na,pasok na tayo sa loob baka sipunin ka pa."nakangiting saad ko sa kanya,tumango naman siya bilang tugon.

"A-ano Ki-Kisha yung...yung ano..."hindi ko natapos yung sasabihin ko ng magsalita siya.

"Yu-yung kanina ba?Ahm...ke-kelan pa?"nauutal siya?bakit?

"Nu-nung una kitang ma-makita."kinakabahan at natatawa kong sabi sa kanya.Palihim akong bumuga ng hangin sa gilid ko para mawala yung kabang nararamdaman ko.

"Ano yun?like at first sight?"natatawang tanong niya.

"Like?like at first sight?"takang tanong ko sa kanya,diba love at first sight yun?

"Eh kasi sabi mo gusto mo lang ako,kaya like hindi naman pwede love kasi di mo pa naman ako mahal."nakangiting saad niya.Medyo gumaan naman na yung atmosphere sa pagitan naming dalawa,buti nalang.

"Ah HAHAHA oo nga,hayaan mo darating din naman jan yung nararamdaman ko.Sa ngayon like muna."

"HAHAHA ewan ko sa'yo."

"Nagugutom ka na ba?"tanong ko sa kanya.

"Medyo...pwede na ba tayo kumain?"nakangiti saka medyo nahihiya niyang tanong.Takte bat ang cute niya.

"Oo naman,ang cuuuuute mo talaga!"nakangiting sabi ko saka pinisil yung pisngi niya.Di ko napigilan.

"ARAY AH!tara na,gutom na 'ko."sagot niya saka 'ko hinila.

____________________
-------------------------------
Kathy POV

"Saan nga kasi sila pumunta?!Sino ba yung Cedrick na yun?!"paulit-ulit na tanong sa'kin ni Dwayze,simula nung sabihin kong wala si Kisha dito dahil nagbonding sila ni Cedrick.

Yes,hindi pa namin gano'n kakilala si Cedrick pero may tiwala kami sakanya.Alam naming hindi niya pababayaan si Kisha.

"Ang ingay mo naman eh!Paulit-ulit ka..kanina ka pa!"inis na sagot ko dito sa katabi ko.

"Pa'no kung may mangyaring masama kay Kisha?!Pa'no kung anong gawin sakanya nung Panget na yun?"inis din na sagot niya sa'kin.

"Hoy!hindi mo pa kaya nakikita si Cedrick,at kapag nakita mo yun lulunukin mo yang sinasabi mong panget siya!"

"Aba talagang pinagtatanggol mo pa yun?!"

"Ang O.A. mo kasi!Chill ka lang sabi.Akala mo naman boyfriend ka."

"Oo hindi niya 'ko boyfriend!Kasi boybestfriend niya 'ko."

"Whatever blablabla"

"Aaarghh!!! Kathy asa'n nga kasi sila?!"

It Is Just A Deal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon