♡Chapter 39♡

63 18 0
                                    

Dereck POV
Hindi ko alam kung bakit ginawa kong maging sweet kay Samantha nang nandoon na kami sa mall. Yes, Samantha. Ayoko na siyang tawaging Love psh. Anyway, ayun nga at sa bawat pagiging sweet ko kay Samantha I'm looking at Kisha, kung ano bang reaksyon niya.

Bakit ganon? Bakit ko kailangan maging sweet sa iba pagkatapos gusto kong makita ang reaksyon niya?

'Yung pairap-irap niya, pag nagwa-walk
out siya, pag pout niya.

Arrrgggghh!! Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko.

Alam kong meron na, pero hindi 'to pwede! Bakit siya pa?

"Dereck" rinig kong tawag sa'kin ng nasa likod ko. Nandito kasi ako ngayon sa garden at ang gulo nga ng isip ko kaya hindi na muna 'ko pumasok, saka basic lang naman mga pinag-aaralan psh.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko 'yun pinahalata ng humarap ako sa kanyang masungit ang tingin, pero pag tingin ko sa kanya, ang amo ng muka niya ngayon, para 'kong nakakita ng anghel.

"Oh?" Masungit kong tanong habang tinitignan ang maamo niyang muka.

"Pinapahanap ka sa'kin ni ma'am, cutting ka daw." May pagsusungit na anito pero para sa'kin ang amo-amo niya parin. Umayos ka Dereck! Susuntukin kita!

Ay hindi pala, maraming iiyak kapag nawala ang gwapo kong muka.

"So?" Saka ako tumingin kay Samantha na paparating.

"Pumasok ka na nga kasi, ako 'yung nauutusan eh! Kung sana hindi ka nagcutting ede sana nakikinig ako doon at natututo. Hindi 'yung nakikipagbangayan lang ako sa 'sang unggoy." Naiinis ng sabi niya.

Gusto ko matawa kasi ang cute niya mainis.

Pffft

"May inaantay ako, hindi ako papasok. Kaya bumalik ka na don." Saka ko ginalaw ang kamay ko na para bang tinataboy siya. Pero ang totoo gusto kong abutin ang kamay niya at hilahin siya papalapit sa'kin.

"Aba---"

"Babe!" Singit niSamantha na papalapit dito. Epal.

"Hey!" Napipilitan kong bati dito.

"Ang tagal mo naman, kanina pa kita inaantay." Pagsisinungaling ko, kita ko ang pag-irap ni Kisha.

"Mauna na ko." Saka siya umalis.

Habang kinukulit ako ni Samantha, nakatingin lang ako kay Kisha na paalis. Napangiti nalang ako sa kawalan, alam ko. May nararamdaman narin siya sa'kin, I can see in her eyes that she's jelous.

"Babe hinihintay mo talaga ko?" Nakangiting sabi ni Samantha kaya tinanggal ko na ang peke kong ngiti at pinalitan ang muka ko ng walang emosyon.

"Hindi."

"Wha-what?!"

Rinig ko pang naiinis niyang sabi ng umalis na ko.

Pasok na ko't inaantay ako ni Kisha, baka humaba ang nguso non kakapout.

Nang makarating ako sa tapat ng room sakto naman sa paglabas ng ma'am namin.

"Oh Mr. Samuel, go to detension room!"

"What?No." Pumasok nga ko para makita si Kisha tapos papapuntahin niyo 'ko sa detension room.

"Sino ka para hindi ako sundin?" Nakataas ang kilay ni ma'am amazona.

"Ako ang may ari netong school, baket?"

It Is Just A Deal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon